bc

Moving Forward

book_age18+
173
FOLLOW
1K
READ
billionaire
arranged marriage
first love
sacrifice
Neglected
like
intro-logo
Blurb

Kate & Lance

Umpisa pa lang ay napabayaan na ang pagsasamang dapat ay naging masaya, pero panahon na nga ba para ito ay tuldukan?

Kasal na hindi ginustong panindigan bagkus ay gustong takasan.

Pagmamahal na nabuo pero para walang kasagutan.

Dapat na nga bang lumisan o ipaglaban ang legal na kanya?

chap-preview
Free preview
Chapter 1
“Sir” tawag ng assistant niyang si Philip. Napaangat siya ng tingin mula sa binabasang dokumento at tumingin dito. Halata sa mukha nito ang pagaalinlangan at takot. Hindi pa man ay alam na niyang may problemang sasabihin ito sa kanya. Sumandal siya sa swivel chair at pinakatitigan ito “Yes, Philip?” aniya sa seryosong tono. Alin kaya sa mga latest project ang nagkaroon ng problema? “Ahmmm” tila nag-aalinlangang sabi nito. Bumuntong hininga ito at tumingin sa kanya tila pinagiisipan maigi kung dapat ba niya malaman ang sasabihin nito o hindi. “Bago po ang lahat, Sir. Gusto kong ihingi ng pasensya na hindi po agad nakarating agad sa inyo ang dokumentong ito. There was a slight delay from the receiving department and it should have reached the CEO’s office earlier” sabi nito at napatingin siya sa brown envelope na hawak nito. Lalo siyang nacurious sa sinabi nito at inabot ang kamay para makuha ang envelope na hawak nito pero hindi naman gumalaw si Philip para iaabot ang hawak nito sa kanya. Lalo siya napaisip kung ano ang nasa envelope na hawak nito. “Philip, you know me so well. Sinasabi mo ba na magagalit ako pag nakita ko kung ano ang nasa loob ng envelope na yan?” Tanong niya dito “To be honest, sir. Hindi ko pa po alam kung magagalit kayo o matutuwa.” Anito “Pero umaasa ako na hindi kayo magagalit, pero hindi din po ako sigurado kung dapat kayong matuwa” anito na wala pa talagang balak iabot ang hawak sa kanya. Umalis siya mula sa pagkakasandal sa swivel chair at itinukod ang mga braso sa mesa pinagsalikop niya ang kamay at tumitig kay Philip yoong tingin niya na para ipahatid dito na naiinip na siya. “Ano ba ang kalakip na kuwento ng envelope na hawak mo?” Tanong niya dito. Umupo ito sa silya na nasa harapan ng lamesa niya “Ganito po kase ang nangyari, Sir” umpisa nito “this envelope is address to you, it came from a certain Atty. Tolentino” tumingin ito sa kanya na tila inaalam kung pamilyar sa kanya ang pangalan “I don’t know him” sabi niya “Ok, sir. As I was saying. This envelope came to the receiving department six months ago.” “Six months?” Medyo napataas ang boses niya at nakita niya na napalunok ito “Mukhang may mali sa receiving department, Philip. Kailan pa nagtagal ang mga items na narereceive. Last time I check pinakamatagal na ang 3 days.” Galit na sabi niya dito. “This is an incompetence from the supervisor ng department. Hindi ba dapat na prioritize ang mga items or mails na para sa CEO’s office pero inabot ng 6 months bago nakarating sa opisina ko?” “Ahmm, sir” “Are we hiring incompetent people? Should I start firing and hiring new staff?” “There’s no need for that, Sir.” Nagmamadaling paliwanag nito “Hindi po sadya ang pagkadelay ng pagdating ng envelope sa office ninyo. Nagkaroon lang ng mishandling, instead po na dito sa CEO office ay sa CFO office po naihatid ang envelope and since po na nagbakasyon si Mr Aguilar at nagresign ang assistant niya hindi po agad naasikaso ang mga unopened mails and packages na nasa office nila. Lately ko lang nalaman na may hindi nakarating na mail para sa CEO office nang magfollow up ang nagpadala and sabi nga na 6 months na nilang inaantay ang reply mo” mahabang paliwanag nito. Sumandal siya ulit sa swivel chair “So, sino si Atty Tolentino and what he needs from me?” Bagot na tanong niya. Pero hindi ito sumagot at nanatili lang nakatingin sa kanya. Inisip niya na baka business letter lang ang laman ng envelope at hindi naman ganon kaimportante. “Just keep it in the incoming tray and I will check it later” sabi niya at umayos ng upo para balikan ang naiwang trabaho. “Ahhmm, sir. I think you should open the mail. Gaya mga nga nang sabi ko, 6 months na nilang inaantay ang pirma mo, ay ang sagot mo pala” napakunot ang noo niya sa sinabi nito at binaling uli ang atensiyon dito. “Philip, nauubus na ang pasensya ko!” May diin na sabi niya dito “I have so many things to do kung hindi importante ang laman ng sobre na yan, might as well keep it in that tray” sabay turo niya sa tray na asa may side table niya. “Gaya nga ng sabi mo nakapagantay na sila ng 6 months, 1 or 2 days wont matter. Umalis ka na at marami pa kong gagawin” dismiss niya dito. “Pero sabi ni Atty Tolentino, pag hindi daw kayo pumirma within today ay dederetso na sila sa korte!” “Korte?” Gulat na tanong niya dito “sino ba talaga ang Atty Tolentino na iyan?” Sigaw niya dito at ubos na ang pasensya niya. “Sir, si Atty Tolentino ay ang attorney ni Miss Katerina.” Anito at inabot sa kanya ang envelope “She is filing for a divorce and inaantay na nila ang pirma mo para isubmit ang divorce papers nang maumpisahan na ang pagproseso ng paghihiwalay ninyo.” Mabilis na sabi nito. “What?” Sigaw niya dito, hinablot ang sobre at binuksan iyon. Nasa loob nga ng envelope ang pirmadong divorce papers ng asawa niya, Katerina Luisa Medina Alonzo. “What the f**k is the meaning of this?” Sigaw niya kay Philip “Sir?” Tila natatakot na sabi nito. “Divorce? She wants to divorce me?” Naiiling na sabi niya. Oo naman gusto ka na niyang idivorce, nagtataka ka pa ba? Sa loob ng ilang taon ay kinalimutan mo siya. “F**k!” sigaw niya sabay suntok sa lamesa “Call, Kate now. I want to talk to her” utos niya kay Philip “Ahmm, Si-sir” nauutal na sabi nito. “Don’t tell me na may sasabihin ka pang malala dito” galit na sabi niya “Actually, sir.” Tinignan siya nito “Hindi ko po alam kung nasaan na si Miss Kate. One month after ipadala ang divorce papers ay umalis na siya sa bahay sa San Franciso” mabilis na sabi nito Lalo siyang nagalit sa sinabi nito pero alam niyang walang mangyayari sa galit niya. Sumandal siya sa swivel chair at ipinikit ang mga mata. Hindi ba at ayaw mo sa kasal na ito? Tudyo ng isip niya ginawan ka na ng pabor ng asawa mo. Siya na ang gumawa ng paraan para matapos na ang palabas na ito. Dumilat siya at tumingin kay Philip. “I want her found today” aniya dito. Tumango ito at lumabas na. Naiwan siyang magisa at binalikan ng tingin ang divorce papers na pirmado na ni Kate.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Luna He Rejected (Extended version)

read
554.7K
bc

Dominating the Dominatrix

read
52.7K
bc

Secretly Rejected My Alpha Mate

read
19.0K
bc

Claimed by my Brother’s Best Friends

read
785.2K
bc

The Slave Mated To The Pack's Angel

read
378.2K
bc

The Lone Alpha

read
123.1K
bc

The CEO'S Plaything

read
15.3K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook