“Hindi ako sangayon sa gusto ninyong mangyari, Pa” sigaw niya dito.
“Wala kang magagawa, Lance. Nakapagdesisyon na ko at iyon ang masusunod” pinal na sabi ng ama. Nakipagtagisan siya ng tingin dito pero siya rin ang sumuko sa huli.
“Pa, masyado pa kong bata to get married and Kate is only 16. I’m only 21 and starting a career how can you see that marriiage will fit my life now?” Nakikiusap na sabi niya dito. Napasabunot siya sa buhok, hindi na niya alam kung anong ikakatwiran sa ama para hindi matuloy ang kasalang ito.
“Iho, Kate is all alone now” malungkot na sabi nito “She doesn’t have anyone but us” pumikit ito pero nakita pa niya ang pagtulo ng luha sa mga mata nito. Napasandal siya sa sofa at pinikit din ang mata. “Katerina” bulong niya. Anak ito ng bestfriend ng Daddy niya na si Luis Medina, parehong laki sa hirap at magkababata.
Nagkahiwalay ng magsipagasawa na pero patuloy pa rin ang communication ng mga ito. Hindi pinahina ng distansya at taon ang pagiging magkaibigan bagkus ay lalo pang pinagtibay.
Napunta sa Cebu si Uncle Luis doon na ito nanirahan at bumuo ng pamilya. Nagkaroon ito ng farm business doon at napalago iyon. Kasosyo din ito ng Papa niya sa business nila na supermarket kung saan ito ang nagsusupply ng mga gulay st karne aside sa manga na siyang main business talaga na ineexport papunta sa ibang bansa.
Kilala niya si Kate dahil nagbabakasyon sila sa Cebu tuwing summer at nagbabakasyon din ang mga ito sa kanila. Hindi man sila close pero they know each other. Pero natigil ang pagbabakasyon nila ng magkasakit ang ina ng cancer, he was 8 years old that time and after 2 years nang pakikipaglaban sa sakit ay namatay ang Mama Sarah niya. Kagaya ng ama ay maaga ding nabiyudo ang Uncle Luis niya nang mamatay ang Auntie Carla sa sakit sa puso, 5 taon pagkamatay ng Ina niya.
Nang makita niya ulit si Kate ay 8 years old na ito. Nakasuot ito ng pantalon at maluwag na T-Shirt tapos na ka cap pa. Aakalain mo na lalaki ito kung hindi mo alam na babae. He was already 13 that time and medyo nagkakacrush na siya kaya hassle na hassle siya ng magbakasyon ito sa kanila dahil sunod ito ng sunod sa kanya.
Nasisira ang diskarte niya at sa sobrang inis niya ay tinakasan niya ito one time na naging dahilan ng pagkawala nito. Sobra ang takot niya dahil sinundan pala siya nito sa kabila ng pagtakas niya at gabi na pero hindi pa din ito nakakabalik. Nagreport na sa pulis ang Papa niya at si Uncle Luis. Kitang kita niya a panglulumo nito nang malamang nawawala ang kaisa-isang anak. Ayaw man niyang isipin pero kasalanan niya kung sinama na lang sana niya ito at hindi na tinakasan
“Wala ba kayong alam na puwede niyang puntahan?” Tanong ni Uncle Ben sa kanila
“Walang kakilala na iba ang anak ko dito, Ben” sabi ni Uncle Luis kay Uncle Ben na kaibigan din pala nito. General ito sa PNP at kaibigan ng Daddy niya. Hindi niya alam na magkakilala rin pala ang dalawa. “Ben, find her please.” Pakiusap nito na hindi na mapigilan maiyak.
Nauunawaan niya ang takot nito namatay ang asawa nito last year lang dahil sa sakit sa puso. Naiwan ang mag-ama at parehong hindi alam ang gagawin. Narinig niya minsan na naguusap ang mga ito sa library. Lumaki si Kate na malayo ang loob sa ama sa kadahilanang busy ito sa pagasikaso ng farm nila at sadyang boyish itong kumilos dahil sa farm lumaki. Napukaw ang pagiisip niya ng magkagulo sa gate, nakita niyang tumakbo ang Uncle Luis niya palabas at sumunod siya.
Nakauwi na si Kate at may kasama itong batang lalake na tantiya niya ay kaedad niya. Niyakap ng mahigpit si Kate ni Uncle Luis at kita niyang yumakap ito pabalik. Napagalaman niya na naligaw ito at idinahilan nito na hindi napansin na napalayo na pala ang paglalakad nito kaya naligaw. Hindi nito sinabi ang totoo na sinundan siya nito at iniwan niya.
Nagpasalamat ang Uncle Luis at ang Papa niya sa binatilyong si Alex at nalaman niyang doon din ito nakatira sa subdivision pero sa may kabilang side kung saan nakaabot si Kate. Nagsialis na ang mga pulis at natahimik na sa buong bahay.
Nasa silid na niya siya at hindi makatulog naguguilty siya maigi sa nagawa. Buti na lang at may nakakita kay Kate kung napahamak ito sigurado siya na hindi niya mapapatawad ang sarili niya. Ilang beses pa siyang nagpabaling baling sa kama bago magdesisyon na lumabas ng kuwarto at kumuha ng gatas. Nadaanan niyang hindi nakalapat ang pinto ng kuwarto ni Kate, sumilip siya at nakita niya na nakaupo si Uncle Luis sa gilid ng kama na kinahihigaan ni Kate at naguusap ang mag ama “Uwi na tayo, Pa” sabi ni Kate sa maliit na tinig
“Hindi mo ba gusto dito?” Sabi naman ni Uncle Luis
“Gusto po kaso ayaw naman ni Lance na andito ako, ayaw niya ko kalaro.” Sabi nito na tuluyan ng umiyak. Nakaramdam siya ng kirot sa dibdib sa narinig, kalaro lang ang hanap ni Kate pero pinagkait pa niya. Bukas na bukas babawi siya dito sabi niya sa sarili at bumalik na sa sariling kuwarto.
Pero nang magising siya kinabukasan ay mukha ni Kate na malungkot ang tanging nakita niya habang nakasakay sa likuran ng sasakyang paalis.
“Lance” tawag ng ama ang nagpabalik sa kanya sa kasalukuyan “Do this please, Son” sabi nito na nakikiusap at natagpuan na lang niya ang sarili na umuoo sa kagustuhan ng ama.
Pinakasalan niya si Kate isang lingo pagkatapos ng paguusap nila ng ama. Pinaayos niya ang mga dokumento na dapat sa kasal, pero hindi sila nagkaroon ng talagang kasal ni Kate. Pinirmahan niya ang marriage contract at pinadala kay Philip para siyang kumuha ng pirma ni Kate.
Matapos ng pirmahan ay pinaayos niya ang mga papeles nito pa US, doon na ito magaaral ng medisina gaya ng plano niya. Wala siyang balak na pakisamahan ito at maging tunay na asawa dahil napakabata pa nito at marami pa siyang gustong gawin. Aside sa hindi niya ito gusto, ay girlfriend na niya si Lora that time nang sabihin ng Papa niya ang plano na pagpapakasal nila.
Galit na galit ang Papa niya nang malaman ang plano niya, pero walang nagawa ang galit nito, 1 month after ng kasal ay lumipad si Kate pa US gaya ng plano niya at nanatili ito doon. May buwan buwan na report na nakakarating sa kanya na noong unang anim na buwan ay binabasa pa niya pero nang maging abala ay hindi na niya iyon napagtuunan ng pansin.
Si Philip ay inatasan niya na magasikaso at magmonitor sa kalagayan ng asawa. Hindi na niya ito pinagukulan ng panahon at atensyon. Sa loob ng limang taon ay namuhay siya sa parang gusto niya, bilang isang binata.