Mainit na hangin ang sumalubong sa kanya pagkalabas niya ng airport. Tumingin siya sa kumpol ng mga tao na nasa may arrival area, mga pamilya na sabik salubungin ang mga mahal sa buhay na balikbayan.
Balikabayan, natawa siya sa salitang ginamit. Hindi siya dapat tawagin na balikbayan dahil hindi naman siya umuwi para sa pamilya. Hindi din naman siya umalis para maging OFW. Ang tamang tawag sa kanya ay itinapon, tinapon sa ibang bansa para hindi maging isang pabigat.
Tama na yan, Kate. Saway niya sa sarili hindi mo na dapat pang balikan ang nakaraan. Hindi ka na kagaya ng dati. You’re a strong and independent woman. Malaki na ang pinagbago mo.
“Kate!” Tawag sa pangalan niya ang nagpagising sa kanya mula sa malalim na pagiisip. Nang tingnan niya kung sino ang tumawag sa kanya ay napangiti siya.
Nakita niya si Grace na kumakaway pa sa kanya katabi nito si Alex na malapad ang pagkakangiti. Nagmamadali ang mga itong lumapit sa kanya natawa siya dahil naguunahan pa ang dalawa kaya sinalubong na niya ang mga ito.
Sinalubong siya ni Grace ng mahigpit na yakap at ginantihan niya iyon ng mas mahigpit na yakap. Miss na miss niya ang kababata, sabay silang lumaki sa Cebu anak ito ng mayordoma at katiwala sa farm nila, magkadedad sila halos dahil isang taon lang ang tanda nito sa kanya.
“Ako naman” sabi ni Alex. Natatawa siya na kumalas kay Grace at hinarap si Alex “Hello, Atty” bati niya dito. “Welcome home, K” sabi nito at niyakap siya. “It’s good to be home, A” bulong. Niya dito sabay ganti ng yakap. Kumalas siya dito at ngumiti. “Tara na” yaya niya.
Nanatiling nakatitig si Lance kay Philip, habang nakasandal sa swivel chair. Sumasakit ang ulo niya sa binalita nito sa kanya. Matapos ng kasal nila ni Kate ay lumipad nga ito papuntang US kagaya ng gusto niya at sa loob ng limang taon ay namuhay ito na sinusuportahan niya o iyon ang akala niya.
Base sa report na natangap niya, tumira nga ito sa bahay na binili niya sa San Francisco para dito. Nag-aral din ito gaya ng plano niya pero hindi sa universidad na napili niya. Sa ibang university ito kumuha nang medicine at nagaral gamit ang pera na minana mula sa namayapang ama.
Nagpart time din ito ng work sa isang restaurant at ang monthly allowance nito na dinedeposit sa account na binuksan niya ay nanatiling hindi nagalaw. Napakalaki na nang naipong amount sa bangko.
Ang tanging tinanggap nito ay ang pagtira sa bahay at ang gastos na related lang sa bahay gaya ng pagkain at utilities aside from doon ay wala na. Sa loob ng limang taon ay akala niya na walang pedeng isumbat sa kanya ang ibang tao dahil well provided niya si Kate, financially pero iyon lang ang akala niya.
Hindi lang siya nagkulang bilang asawa nito pati na rin pala sa suporta ay nagkulang siya. Hindi man lang siya nagabala na bisitahin ito o kahit tawagan para kamustahin sa loob ng 5 taon.
As long as patuloy ang sustento niya at wala siyang naririnig na problema ay binalewala niya ito. Nagbuhay binata siya at ginawa ang lahat ng gusto niya sa kabila ng pagtutol ng ama. Alam niya na bumibisita ito kay Kate at nang minsan na mabasa nito sa magazine interview ni Lora na may balak na silang magsettle down ay nangyari ang matinding away sa pagitan nila.
Inamin niya dito na nagbabalak na talaga silang magpakasal ni Lora although hindi pa naman siya nagpropose pero napagusapan na nila ang kasal. Sinabi niya rin sa ama ang balak na idivorce si Kate once na makagraduate ang asawa.
Iyon ang naging dahilan ng hindi nila paguusap hangang ngayon sinubukan niya na makipag ayos sa Ama pero laging civil ang pakikiharap nito sa kanya at tungkol lang sa negosyo ang pinaguusapan nila. Madalas na rin itong nauwi sa Cebu para pangasiwaan ang farm na iniwan ni Uncle Luis.
“Sir?” Sabi ni Philip na siyang nagpabalik sa kanya sa kasalukuyan. Bumuntong hininga siya at tumingin dito “Any news where she is?” Tanong niya dito.
“Wala pa rin, Sir. We are trying our best to find her. Pero sadya pong magaling si Miss Kate sa pagtatago.”
“Pagtatago?” Napakunot ang noo niya sa narinig. “What do you mean?”
“Ahhmm, wala naman po, Sir” sabi ni Philip na parang gustong bawiin ang sinabi
“You mean something, Philip. Hindi mo sasabihin kung hindi mo iyon iniisip or hindi mo alam?”
“Kasi po, Sir. Nagtataka ko na sa dami ng tauhan natin ay bakit hindi pa natin mahanap si Miss Kate. It’s already 2 weeks since nagumpisa tayo na hanapin siya. Pero wala pa rin result.” sabi nito na nagpaisip sa kanya “Iniisip ko po na baka may humaharang sa paghahanap natin sa kanya o sadya lang talaga siyang magaling magtago”
Napaisip siya sa sinabi nito. May punto si Philip, imposible na hindi ito makita ng mga tauhan niya. Dalawang linggo na rin ng malaman niyang nagfile ito ng divorce at wala pa ring lead kung nasaan ito.
“I think tama ka, Philip.” Sangayon niya sa assistant “Alam ba ng Papa na hinahanap natin si Kate?”
Umiling ito “Wala naman po akong alam kung may idea ang Chairman, Sir. Pero alam ninyo naman pong walang hindi nakakarating sa kanya” anito. Pero tama ito walang bagay na nakakaligtas sa ama.
“Sir, what if po kung kontaking natin si Atty Tolentino?” Tanong nito “Most probably po alam niya kung asan si Miss Kate” napatango siya sa sinabi nito. Nang araw na matanggap niya ang divorce papers ay tinawagan ito ni Philip para ipaalam na nareceive na niya ang papel at pagaaralan pa bago mag bigay ng sagot.
“Ok, try to check if there are ways to get from him Kate’s whereabouts.” Dismiss niya dito at lumakad na rin ito palaabs ng office niya.
Nang mapagisa ay binalik niya ang atensyon sa iniwang trabaho pero hindi siya makapag focus. Kinuha niya ang divorce papers na nasa drawer at tinitigan ang pirma ng asawa sa papel. Ito ang gusto mo di ba? Ito ang plano mo bakit ngayon tila nagaalinlangan ka.
Pinikit niya ang mata at sinubukang alalahanin ang mukha ni Kate. Ang bilugan nitong mata, ang mapulang labi at mamulang mulang pisngi. Ang bungisngis nito pag tumatawa at ang pagkamangha nito sa mga bagong bagay na nalalaman.
Hindi na niya alam kung ano ang itsura ni Kate ngayon ang tanging alaala niya ay ang batang 8 years old na malungkot na nakatingin sa kanya habang nakasakay sa sasakyan ng araw na umalis ito sa bahay nila.
Bumuntong hininga siya, alam niya sa sarili niya na ito ang gusto niya pero nagaalangan siya dahil sa ama at hindi pa niya nakakausap si Kate. Alam niya na hindi siya naging asawa dito sa loob ng limang taon pero gusto pa rin niya itong makausap. Hindi din niya alam kung ano ang dapat gawin. Should he signed para matapos na ang ugnayan nila.