Malayo pa lang ay nakita na niya ang babaeng biglang napahinto ng mapatingin sa kanya. Hindi niya alam pero he was drawn to her. Nakita pa niya ng lingunin ito ng lalaking kasama at sinundan kung saan ito nakatingin. Nang makita siya ay kita pa niya ang pagkagulat sa mukha nito na napalitan ng galit.
Nilingon nito ang kasamang babae, hinawakan sa kamay at saka inalalayan palabas. Yumuko ito at nagsimulang lumakad. Inalis niya ang tingin at naglakad na rin papasok pero ng magtapat sila ng babae, habang papasok siya at ito ay palabas ay nakaramdam siya ng iba.
Nakaupo na sila ni Lora sa table pero hindi pa rin maalis sa isip niya ang babae. Hindi niya alam kung paano ipaliwanag pero it’s a sense of familiarity. Hindi naman niya ito kakilala o kahit nagkausap kahit kailan ng babae pero ramdam niya ang pagiging pamilyar nito sa kanya.
“Hon? Are you okey?” Tanong ni Lora.
“I’m fine, medyo pagod lang.” Sagot niya sa tanong nito.
Nagumpisa silang kumain ng dumating ang inorder nila. Si Lora ay nagkuwento ng kung anong nangyari sa araw nito pero wala doon ang focus niya kundi nasa babae na nakasalubong nila sa labas.
Sandali lang niya itong natitigan bago ito yumuko pero kita niya ang gulat sa mukha nito ng makita siya. Parang narinig pa nga niya ang pagsinghap nito kaya napatingin siya dito. Bilogang mata, mapulang labi at pisngi. Naalala niya si Kate dahil sa baabeng iyon na may bilogang mata. Hindi siya mapakali kailangan niya makilala ang babae malakas ang kutob niya na kakilala niya ito.
“Hon?” Tawag ni Lora sa kanya. Tumingin siya dito, hindi makakaila na maganda at sexy ito. Alaga nito ang katawan lalo na at pagmomodelo ang trabaho nito. Nang sabihin ng ama na kailangan niyang pakasalan si Kate ay nobya na niya ito at magiisang taon na rin sila.
Nakilala niya ito sa isang party na dinaluhan niya and crom that night ay naging sila na. Walang ligawang naganap dahil gusto rin naman siya nito. Nang magdesisyon siyang pakasalan si Kate ay nakipaghiwalay na siya dito. Nagalit ito nung una pero kalaunan ay pumayag na ring makipaghiwalay lalo na at ikakasal na siya sa ibang babae. Sinabi pa nito na kung iiwanan niya ito para magpalit lang ng bagong girlfriend ay hindi ito papayag pero dahil magpapakasal na siya ay hindi nito pinangarap na maging kabit.
Naghiwalay sila ng maayos at pinakasalan nga niya si Kate. Pero nakipagbalikan ito sa kanya ng malamang hindi sila nagsasama ni Kate at nasa US ang asawa niya para magaral. Hindi naman siya nagdalawang isip na tanggapin ito. Magkasundo sila sa maraming bagay lalo na sa kama. Hindi siya ang una nito pero balewala naman iyon sa kanya. Dahil alam nito kung paano siya pasasayahin pagdating sa kama.
Nagtuloy ang relasyon nila sa kabila ng pagtutol ng ama at sa katotohanang kasal na siya. Masaya silang dalawa at tuluyan ng nawaglit sa isipan niya ang asawa. Pero nawala ang tiwala niya dito ng sabihin nito sa isang interview na malapit na silang magpakasal. Hindi naman niya ito binawalan na sabihin na may relasyon sila pero hindi din niya kahit kailan sinagot ang mga tanong ng reporters tungkol sa relasyon nila.
Aminado siya na napagusapan nila ang kasal lalo na at matagal na rin silang magkasama. Pero hindi naman siya sumangayon na ipaalam nito iyon sa public lalo na at hindi pa naman siya nagpropose dito. Isa pa ay alam din nito ang totoong sitwasyon. Walang kasalang magaganap sa pagitan nila unless na ipawalang bisa niya ang kasal nila ni Kate. Na siya namang plano niya talaga at sinabi niya iyon dito.
Pero it still doesn’t give her ang right para idisclose in public ng kung ano mang plano dahil wala pa namang final na desisyon. Galit ba galit siya lalo na at nakarating sa ama ang tungkol sa interview. Pinagmulan iyon ng matinding away sa pagitan nila at siyang naging dahilan ng pagbabago ng relasyon nilang magama. Simula noon ay may nagbago sa relasyon nila ni Lora. Aminin man niya o hindi ay nawalan na siya ng interest na pagusapan ang kasal o kahit na ang relasyon nila. Kung dati ay naisip niya na pede niya pakasalan ito ngayon at ayaw na niyang isipin iyon.
Siguro ay naramdaman nito ang panglalamig niya kaya nagumpisa din itong dumistansya sa kanya. Aalis ito mawawala ng mga ilang buwan tapos ay babalik at ayos na naman sila. Naging ganoon ang takbo ng relasyon nila. Wala naman problema iyon sa kanya. Mas pabor pa nga iyon, dahil pag wala ito ay may mga iba pa namang babae at isa doon si Jane na siyang consistent Fubu niya.
Nang matapos ang dinner ay hinatid na niya si Lora. Tumangi siya nang ayain siya nitong magpalipas ng gabi. Nakauwi na siya sa sariling penthouse pero iniisip pa din niya ang babae. Tunog ng cellphone niya ang nagpaputol sa pagiisip niya sa babae na nasa restaurant. Nang tignan niya ay si Philip ang tumatawag. “Hello” sagot niya.
“Good evening, sir.” Bati ni philip. “Good evening” bati niya pabalik
“Sir, I regret to inform you pero I was told that Ms Kate refused to meet you and ang sabi ni Atty Alex ay siya na ang makikipag meet sa inyo to finalize the details ng divorce and to give a copy of the signed non-disclosure contract from her side.” sabi nito. Sumakit ang ulo niya sa narinig “Why is she being difficult?” frustrated na tanong niya kay Philip “I just want to meet her para makapagusap kami”
“Ahmmm, Sir. I cannot answer that.” Anito sa kabilang linya. Napabuntong hininga na lang siya “Did you told this Atty Alex na gusto kong makausap ang asawa ko?” Inis na sabi niya. Hindi niya matangap na umaayaw ang asawa na kausapin siya kahit na ba ito ang una at puwede na maging huli na rin nilang paguusap.
“I inform, sir. Sinabi ko na gusto ninyo makausap ang asawa ninyo na si Ms Kate para ifinalize ang divorce pero ayun ang sabi ni Atty Alex, she refused to meet you and talk to you”
“F**k!” Sigaw niya “This is not acceptable, Philip. Limang taon kaming hindi nagkita at nagkausap man lang tapos ngayon tinatanggihan niya na ma-meet ako. Ineexpect ba niya na basta ko na lang pipirmahan ang divorce papers na pinadala niya without even talking to her” galit na sabi niya “She didn’t even consult me about this. Bigla na lang niyang pinadala ang papel na pirmado na niya at ayaw pa niya makipagkita sa akin. This is too much” sabi niya kay Philip.
“Sir, if you don’t mind, pede po ba kong magoffer ng advice?” Tanong nito. Rinig pa niya ang pagaalangan sa boses nito “Go on” aniya
“Hindi naman po lihim sa akin ang tunay na dahilan ng pagpapakasal ninyo ni Ms Kate. Bakit hindi na lang po ninyo pirmahan ang divorce papers para makalaya na po kayo pareho. At saka hindi po din natin maalis kay Ms Kate ang gustuhin na hindi kayo makausap or makita. Ganon din naman ang ginawa ninyo sa loob ng limang taon di ba?” Mahinahon na sabi nito.
Napatigil siya sa sinabi nito. Tama naman si Philip hindi nga ba at sa buong durasyon ng kasal nila ay hindi siya gumawa ng paraan para magkaroon sila ng tsansa na makapagusap or magkita man lang. Kaya paano rin niya na ipipilit ang gusto na makita at makausap ito na kung siya mismo ay walang ginawang paraan sa mga nakalipas na taon.