Bumuntong hininga siya “Tama ka, Philip.” Pagsangayon niya dito “Maybe it’s time. Sapat na siguro ang limang taon na natali kame sa isat isa. How I wish na sana makapagusap kami before we finalized the papers.” Kalmado na niyang sabi dito.
“Alam ko naman na partly it’s my fault bakit kami umabot dito. Pero hindi ba at dapat maghiwalay kami ng maayos. Hindi ba kami puwedeng maging magkaibigan man lang?” Aniya dito
“I’m so sorry, Sir. But requesting and hoping that you can be friends with your ex-wife. I think that is too much.” Anito “Lalo na at hindi naman kagaya ng iba ang circumstances ng pagpapakasal ninyo”
“Set the appointment with Atty. Tolentino and let’s finalize this divorce so that both of us can move on. Goodnight” aniya at ibinaba na ang tawag.
Nang mga sumunod na araw ay naging abala siya hangang sa dumating ang araw ng meeting niya with Atty Alex Tolentino. The one his wife send to him na magdidiscuss about the details nang pagwawalang bisa ng kasal nila. Frustrated pa rin siya na hindi niya makausap si Kate pero hindi pa din siya susuko na magkakaroon din ng tsansa na magkausap sila.
He might need to get his fathers help para makausap ito pero if really needed ay hindi siya magdadalawang isip na gawin iyon. Katok sa pinto ang nagpabalik sa kanya sa kasalukuyan “Come in” aniya. Bumukas ang pinto at pumasok si Philip “Sir, Atty Tolentino is here” anito. Tumango siya para papasukin ito.
Nang pumasok si Atty Tolentino ay namukhaan niya ito at iniisip kung saan niya ito nakita. Iginiya ito ni Philip sa upuang nasa harap ng table niya. Tumayo siya at nakipagkamay dito “Atty Alex Tolentino” pakilala nito “Lance Alonzo” pakilala niya at inanyayahang itong umupo. “I’ll be representing, Katerina. I mean Ms Medina in the divorce case she filed against you” anito ng makaupo na.
Hindi maganda sa pandinig niya ng tawagin nitong Katerina ang asawa. Ayaw man niya pero nakaramdam siya ng inis. Nagpaalam si Philip na lalabas pero sinenyasan niyang magintay. Nilabas nito ang mga dokumento mula sa dala nitong attache case at inabot sa kanya
“This is the non-disclosure conract that she signed. It states that walang pagsasabihan si Katerina na naging asawa mo siya and she expects you to do the same.” Anito. Lalo siyang nainis ng bangitin ulit nito ang pangalan ng asawa niya “Philip, please check the contract” aniya at lumapit ito para kuhain ang dokumento mula kay Atty.
Kita niya ang pagdaan ng inis sa mata nito ng hindi niya abutin ang papel na inaabot nito. Ibinigay nito ang papel kay Philip. “As I was saying, nasa iyo na ang kopya ng pirmadong divorce papers ni Katerina, I mean Ms Medina.”
Pangatlong beses na nitong tinatawag na Katerina ang asawa niya at ayaw niya ng marinig pa na banggitin nito ang pangalan ng asawa “Atty Alex. You should stop calling her Katerina” aniya dito “Last time I check it should be Mrs Alonzo to you” sabi niya na may halong inis dito.
Nakita pa niya ang gulat sa mata nito bago napalitan ng galit. “Well, she will not be using that surname soon. She will go back to being Ms Katerina Luisa Medina” anito na inuuyam siya. Pamilyar talaga ito sa kanya pilit niyang inaalala kung saan niya ito nakita. “Inaantay na lang namin ang pirma mo sa divorce papers and we will be submitting it from our side.”
Patuloy na pagsasalita nito pero wala na doon ang isip niya. Alam niyang nagkita na sila nito before pero hindi niya maalala kung saan. Try to remember, Lance. Bulong niya sa sarili pakiramdam niya ay may malaking mawawala sa kanya pag hindi niya naalala kung saan niya nakita ang attorney na ito.
“Are you listening, Mr Alonzo?” Pukaw nito sa pagiisip niya. Tinignan niya ito “Yes” aniya
“As I was saying, one the grounds for the divorce is that she is very young when you married her. She is not yet on the right age during that time to enter into marriage or to give consent”
“My father was her guardian that time, Atty. When Uncle Luis died, he became her guardian and he has all the right to give consent for the marriage to happen”
“Given that’s the case, we have other grounds stated in the divorce papers. I inform her that she can use your infidelity as a ground and that would make everything easier”
Napakunot ang noo niya sa narinig at napaayos siya ng upo “What do you mean?” Seryosong sabi niya dito
“Well, Mr Alonzo in case hindi mo alam” anito na nginitian pa siya na nakakaloko “Mrs Alonzo is very much aware of your extra marital affairs” Hindi siya nakasagot sa sinabi nito nabigla siya sa nalaman. Alam ni Kate na may iba siyang karelasyon kahit na kasal siya dito. Now he understands kung bakit ayaw nitong makita or makausap man lang siya.
Nanlumo siya sa nalaman, he never want her to know this pero hindi niya nailigtas ang asawa sa bagay na ito. Kasalanan mo din naman, Lance. Hindi ba at nagbuhay binata ka habang kasal kayo at ni minsan hindi mo itinago ang relasyon ninyo ni Lora. Napaka insensitive mo sisi niya sa sarili.
“But, Katerina, I mean Ms Medina refuse to used that grounds. Ayaw niyang gamitin ang pagtataksil mo para mapawalang bisa ang kasal ninyo” galit na sabi nito sa kanya. Tinitigan niya ito sa mata and it hit him ito ang kasama ng babaeng hindi naalis sa isip niya, ang babaeng may bilogang mata.
Hindi kaya iyon si kate? Tanong niya sa sarili niya. Malaki ang posibilidad lalo na at magkapareho ang hugis ng kanilang mga mata. Napangiti siya sa kaisipang malaki ang tsansa na si Kate at ang babaeng gumugulo sa isip niya ay iisa. Bigla siyang napatawa sa idea na iyon. Napahinto ito sa pagsasalita at tinitigan siya.
“Sir?” Tawag ni Philip sa kanya na tila gulat na gulat din sa biglang pagtawa niya
“Is there something funny, Mr Alonzo?” Naiiritang tanong nito.
“I’m sorry. I didn’t mean to laugh but it really amaze me how you keep calling my wife Katerina and Ms Medina. Because you know she is still Mrs Katerina Luisa Medina Alonzo. You have no right calling her, Katerina or Ms Medina.” Seryoso niyang sabi dito “All her documents is under Mrs Alonzo unless I change that fact”