Chapter 12

1085 Words
Pinigilan ni Kate ang umiyak ng inakay na siya ni Lance palabas ng ospital. Nakita pa niya na may nagflash na camera na tila kinukuhaan sila. Nang mapansin din ni Lance iyon ay huminto ito sa paglalakad at nilingon si Philip at ang dalawang lalaki na nasa likuran nila. Pagkatapos ay hinubad ang coat na suot at pinasuot sa kanya naguguluhan man ay hindi na siya tumangi sa gusto nito. Pagkatapos noon ay hinapit siya palapit nito pasubsub ang mukha niya sa malapd nitong dibdib at nang balak niyang iangat ang mukha ay naramdaman niya ang isang kamay nito sa ibabaw nang ulo niya na tila pinoprotektahan siya. Ang dalawang tao nito ay mabilis din na tumayo sa magkabilang side nila habang si Philip ay narinig niyang nasa harapan nila at may kausap na pinapaunta sa harap ng ospital. “Mr. Alonzo” tawag ng isang lalaki dito “Totoo ba ang narinig namin na ang kasama mo ay asawa mo?” Tanong nito at naisip niya na malamang ay reporter iyon. Nakalimutan niya na sikat nga pala ang asawa at kinabahan siya ng maisip na malalaman na ng buong mundo na asawa siya ni Lance. “Let’s go” bulong nito sa kanya na hindi inaalis ang pagkakayakap sa bewang niya at kamay sa ulo niya. Tumango siya at sumabay sa lakad nito. Kasabay nila rin sila Philip sa paglakad at ramdam niya na pinoprotektahan siya ng mga ito lalo na nang may kumuha na naman ng litrato na hinarang ni Philip ang kamay para hindi siya makuhaan. Nakarating sila sa nakaparadang sasakyan at napansin niya na may dalawa pang tao na andun. Inalalayan siya ni Lance na makapasok sa loob ng sasakyan. Nakahinga lang siya ng maluwag ng umandar na ang sinasakyan nila. “I’m sorry about that” sabi nito “It’s okey, ako ang dapat na humingi ng sorry. Nalaman na nang buong mundo na may asawa ka na” hingi niya ng pasensya dito. “Puwede ko naman sabihin na hindi mo ko asawa at misunderstanding lang ang lahat” sabi niya dito. Iniintay niya ang sasabihin nito pero hindi niya inaasahan ang naging sagot nito “Maybe it’s time for the world to know that I’m a married man” napatingin siya dito at nakita niya na nakangiti ito “Don’t worry too much, wife.” Anito na hinapit siya palapit dito “When it comes to that ako na ang bahala, okey?” Sabi nito at tumango na lang siya bilang pagsang ayon at humilig sa balikat nito. Nanatili sila sa ganoong posisyon at tahimik habang nasa biyahe. Namg makarating sila sa mansiyon at makapasok sa loob ay hindi maiwasan ni Kate na humanga ulit sa ganda ng bahay na dati na rin niyang nabisita. Walang nagbago dito, ganitong ganito rin ang bahay base sa pagkakatanda niya. “Kate!” Tawag ni Papa Mario sa kanya. Mabilis siyang lumapit dito at yumakap “Kamusta, Papa?” Tanong niya ng kumalas siya ng yakap dito “Ayos lang ako, Iha.” Anito “Pasenysa na at hindi natuloy ang lunch natin nung isang araw” hingi niya ng paumanhin dito “Okey lang yun, Iha. Alam ko na busy ka” sabi nito at nginitian siya. Pagkatapos ay nilingon si Lance. “Hello, son” bati nito sa anak at hindi nakaligtas sa kanya ang pag smirk nito bago batiin din ang ama “Hello, Pa. Buti at napaunlakan mo kami ni Kate na saluhan sa dinner” anito “Oh, I wouldn’t miss this dinner. I look forward to having it with you and my lovely, Kate.” Anito sa tonong tila aliw na aliw. Bago pa makasagot si Lance na nakita niyang napatiim bagang sa sinabi ni Papa Mario ay kinuha na niya ang atensyon nito at nararamdaman niyang nagkakaroon na nang tensyon sa pagitan ng mag-ama “Lance” tawag niya dito. Lumingon ito sa kanya “Ahmmm, I want to freshen up before dinner” aniya na nahihiya dito. “Oo nga pala. Come” anito at inabot ang kamay niya ayaw man niya pero hindi niya magawang alisin ang kamay nito sa pagkakahawak sa kanya. “Pa, iwan ka muna namin. Mag freshen up lang muna kaming magasawa” anito na tila iniinis ang ama. “Okey lang, Lance. Intayin ko kayong bumalik. Huwag masyado magtagal ha?” Sabi nito na malawak ang pagkakangiti. Lalong nagsalubong ang kilay ni Lance at namula naman ang pisngi niya ng maintindihan kung ano ang ibig sabihin nito. Balak pa nitong sagutin ang ama pero pinisil niya ang kamay nito. Bumuntong hininga si Lance at hinila na siya paakyat sa taas. Nang makarating sa second floor ay laking gulat niya ng pumasok sila sa master bedroom. “Lance, ahmmm. Dito rin ako magkuwarto?” Nagaalangang tanong niya “Oo naman. This is the master bedroom. Dito ang room natin dalawa.” Anito na hindi inaalis ang tingjn sa kanya “But. .” “No more buts.” Putol nito sa sasabihin niya. “I know na nabibigla ka sa nangyayari and you don’t expect this to happen. Pero gaya nga ng sabi ko sayo kanina. I did based my decision before sa kung anong akala kong makakabuti sa ating dalawa. But please let us calm ourselves first” anito na naglalakad palapit sa kanya. Gusto man niyang umatras ay hindi niya magawa. Tila napako siya sa kinatatayuan. Huminto ito sa tapat niya at tinitigan siya sa mga mata. “It might be hard for you to accept na sa ngayon ay iba ang nangyayari at hindi kung anong inaasahan mo” patuloy nito na hindi inaalis ang tingin sa mga mata niya at ayaw man niyang aminin ay tila nalulunod siya sa pagkakatitig sa mga mata nito. “Hindi ko rin alam kung ano ang nangyayari but isa lang ang alam ko. I want to know you, I want to know my wife and give ourselves a chance. Give this marriage a chance, please” anito at sinapo ang mukha niya at dinampian siya ng halik sa pisngi. “Mauna ka nang gumamit ng banyo kausapin ko lang ang Papa.” Anito pagkatapos ay iniwan na siya. Sinundan lang niya ng tingin ang asawa hangang makalabas ito ng kuwarto. Ano na, Kate? Tanong niya sa sarili “Give this marriage a chance, please” hiling ni Lance sa kanya. Pinikit niya ang mata at umupo sa kama. Handa ba siya na ibigay ang chance na hinihingi nito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD