Pagkalabas ng kuwarto ay dumeretso siya ng library. Andun nga ang ama gaya ng inaasahan niya. Nakaupo ito sa may sofa at alam niyang iniintay nga siya nito. Hindi man ito nagsasalita pero kita niya sa mukha nito ang amusement habang nakatingin sa kanya.
“Pa” tawag niya dito at naupo sa may swivel chair. “Lance” sabi nito at kita pa niya ang pinipigilang ngiti nito. Nakaramdam siya ng inis dahil sa ginagawa nito. “Tigilan mo na iyan, Pa” sabi niya dito “Sabihin mo na kung anong gusto mong sabihin” Pero ang ngiti ng ama ay nauwi sa tawa. Tawa na ngayon lang niya ulit narinig.
Simula ng mamatay ang Mama niya ay naging malungkutin na ito at nang mamatay ang Uncle Luis ay lalong naging malungkutin ito. Kaya nakaramdam siya ng saya na marinig ang pagtawa nito. Titiisin na lang niya ang inis kung sa ganitong paraan ay magiging masaya naman ito. Narinig niya ang paghinto ng tawa ng ama at tinignan niya ito. “I’m sorry, son” anito na halatang pinipigilan ang sarili na tumawa “Hindi ko sinasadya talaga lang naaliw ako sa sitwasyon mo ngayon.” Anito
“Anyway, on the serious side. Ano ang plano mo?” Seryosong tanong nito. Alam naman niya kung ano ang ibig sabihin ng ama.”To tell you, honestly, Pa. Hindi ko din alam” seryoso na sabi niya dito
“She wants a divorce, right?” Tanong nito sa kanya
“Yes, Pa” sagot niya “But I don’t think that I can give it to her” tapat na sabi niya dito.
“At bakit naman? Hindi ba at you inform me that you plan to divorce her after she graduated” naguguluhang tanong ng ama niya sa kanya. Kita niya ang pagtataka sa mukha nito.
“Hindi ko din alam, Pa” tapat na sabi niya dito. “Hindi ko din alam.” Iiling iling na sabi niya dito
“Lance, I know na ako ang nagpush para makasal kayo ni Kate and I’m thankful na ginawa mo ang gusto ko not exactly how I want you to do it pero sumunod ka pa rin kahit abot langit ang pagtangi mo” sabi nito “But I never gave Kate the chance to choose.” Anito sa gumagaralgal na tinig at nakita niya na tumulo ang luha nito
“I made her suffer sa loob ng limang taon isa ako sa mga dahilan kung bakit siya nakulong sa kasal na ito.” Tumayo siya at lumakad papunta sa sofa para aluhin ang ama. Kumikirot ang puso niya ng makitang umiiyak ito. “Pa, if it’s anyones fault it is mine. I made that stupid decision without thinking.” Sabi niya dito
“That’s why, Anak.” Hinawakan nito ang kamay niya “Please let her go. Ibigay mo ang divorce na hinihingi niya. We both know na you don’t love her. Ikaw na rin ang nagsabi na you have plans to settle down with Lora at na siya ang mahal mo” anito “Let Kate go, Lance. Let her go. Give her the chance to find someone na makakasama niya sa buhay.” Nakikiusap na sabi nito.
Hindi niya alam kung ano ang isasagot sa sinabi ng ama. Tama naman ito kahit saan angulo tignan dapat naman talagang pakawalan na niya si Kate. Siya na rin mismo sa sarili niya alam naman niya na wala naman dahilan para pigilan niya ito na makipaghiwalay sa kanya. Tama naman ang ama hindi niya mahal ito. Aminado siya na attracted siya kay Kate pero hindi para sabihin na mahal na niya ito o kung darating ang panahon na mamahalin niya ito. Katok sa pinto ang nagpahinto sa pagiisip niya.
“Pasok” aniya at si Manang Ada ang bumungad ng bumukas ang pinto
“Ready na ang hapag, Senor” anito
Tumayo siya “Sige po Manang susunod na kami” sabi niya at nilingon ang ama “Pa, tatawagin ko lang si Kate” aniya at naglakad na papunta sa pinto. Pero napahinto siya sa sinabi nang ama “Lance, pagisipan mo ang sinabi ko. I know that your fascinated with Kate now. Seeing how beautiful she has grown. Hindi ko maalis sa iyo na maconfuse especially seeing her for the first time after nang matagal na panahon.” Hindi na siya sumagot at deretso ng lumabas
Pagpasok niya sa loob ay naabutan niya si Kate na nakaligo na at nagsusuklay ng buhok. “Hi” bati nito. Tinanguhan niya lang ito at pumasok na sa banyo para makapagshower. Mabilis siyang naligo at lumabas ng banyo na nakatapis lang. Naabutan pa niya si Kate na nakaupo na sa may kama at inaantay siya. Hindi niya ito pinansin at dumeretso na sa walk in closet para magbihis.
Nagtataka si Kate sa biglang pagiiba ng mood ni Lance. Kanina bago ito lumabas ay may pa give our marriage a chance pa itong nalalaman tapos ngayon pagbalik ay ang lamig ng pakikitungo sa kanya na tila ayaw siyang makita. Napabuntong hininga na lang siya. Hindi din niya alam kung ano ba ang dapat gawin. Dapat nga bang bigyan nila ng tsansa ang pagsasama nila o dapat na niyang tuldukan.
“Let’s go” malamig na boses ni Lance ang nagpabalik sa kanya sa kasalakuyan. Tumingin siya dito at nakita niya na naglalakad na ito papunta sa may pinto kaya sumunod na lang siya dito. Diretso lang din sa paglalakad ang asawa na hindi pa din nagsasalita. Nang makarating sa may dining area ay nakita niyang andun na ang Papa na nakaupo sa kabisera. Umupo si Lance sa right side nito at siya naman ay sa left side.
“Natatandaan mo pa ba si Manang Ada?” Tanong nito sa kanya. Tumingin siya dito “Oo, naman Pa. Kamusta po Manang?” bati niya “Ayos lang naman ako, Iha” sabi nito at nginitian siya.
“Kain na” sabi ni Papa Mario. Nagsimula na silang kumain at kapansin pansin ang pagiging tahimik ni Lance. Hindi ito masyadong nagsasalita at nasagot lang pag tinatanong ng ama na tungkol naman sa business. Nang matapos kumain ay tumayo si Lance at nagsabi na may tatapusin pa itong work, pagkatapos ay umalis na. Ang Papa Mario ay nagsabi na magpapahinga na at medyo pagod daw. Siya naman ay nagpasya na ring bumalik sa kuwarto para magpahinga. Nalulungkot siya na natapos ang pagkain nila na hindi na siya kinibo ng asawa.