Nagising si Kate sa tunog ng alarm niya. Inabot niya ang cellphone at pinatay ang alarm. Nilingon niya ang tabi at kita niya na maayos pa rin iyon at mukhang hindi nahigaan. Ibig sabihin ay hindi tumabi si Lance sa kanya. Nalungkot siya ng malamang hindi dito sa kuwarto natulog ang asawa.
Ayaw man niya pero hindi niya mapigilan na mapahikbi. Akala niya okey na sila dahil sa mga sinabi nito kagabi bago lumabas pero nang bumalik ito ay nagiba ang ihip ng hangin naging malamig ang pakikitungo nito sa kanya.
Ano ka ba, Kate? Umasa ka ba na dahil sa pinakita niya ay magiging maayos na ang lahat. Hindi ka na natuto, limang taon kang umasa pero wala namang nangyari hindi ba? Sa loob ng mga taon na iyon ay hindi nga siya nagabala man lang bisitahin ka o tawagan man lang para kamustahin kung buhay ka pa.
Alam naman niya na hindi siya talaga gusto nito at may isang patunay na palaging nagpapaala sa kanya, si Lora ang girlfriend nito. Tanda pa niya ang aksidenteng pagkakabasa niya ng interview nito sa magazine, 2 taon na rin siyang nasa US at naninirahan doon nang mabasa niya ang interview ni Lora
“Lance and I plan to get married soon. We are together for 3 years now. Talked of settling down and having kids is definitely on the table” basa niya sa interview nito nang tanungin ang dalaga kung ano na ang status ng relasyon nito sa Bachelor na si Lance Alonzo.
Labis na nasaktan ang batang puso niya sa nabasa at ilang gabi rin niyang iniyakan iyon. Ramdam na ramdan niya ang kirot sa reyalisasyon na may ibang gusto, hindi mali may ibang mahal ang asawa. At nang bisitahin siya ng biyenan ay hindi niya maitago ang sakit na nadarama at sinabi ang nalaman niya. Hindi agad nakasagot ang Papa Mario pero ramdam niya sa higpit ng yakap nito sa kanya na nakikisimpatiya ito sa nararamdaman niya.
“Kakausapin ko si Lance, iha” anito sa kanya. Umiling siya “Huwag po, Papa. Ayoko na pagmulan ito ng away sa pagitan ninyo” kita pa niya ang pagtutol nito “Please, Pa” pakiusap niya at nagaatubili man ay tumango ito. “I’m sorry, Kate. I’m really sorry” tanging nasabi nito.
Mas naging madalas ang pagdalaw sa kanya ng biyenan pagkatapos ng insidente na iyon. Patuloy din ito sa pangaral sa kanya na magfocus muna siya sa pagaaral at saka na harapin ang ibang bagay pag nakatapos na siya. Ganun nga ang ginawa niya, nagfocus siya sa pagaaral at nakapagtapos.
After ng graduation ay nagintay pa siya ng anim na buwan kung pauuwiin na siya ng asawa pero wala siyang narinig buhat dito o kay Philip man lang. Hindi na rin siya nagtanong sa biyenan bagkus ay kinausap niya ito tungkol sa plano niyang pagdivorce kay Lance.
Hindi naman ito tumutol o sumangayon. Ang tanging sinabi nito ay pagisipan niyang maigi kung ano ang talagang gusto niya at susuportahan siya nito. Kinontak niya si Alex na ngayon ay isa nang ganap na Attorney. Naging magkaibigan sila nito at patuloy ang naging communication nila kahit nang bumalik siya ng Cebu at lumipad pa US.
Sa loob ng limang taon ay ilang beses na rin siyang nabisita nito at minsan na rin siyang niyaya na umuwi para magbakasyon pero hindi siya pumayag dahil wala namang sinabi ang asawa na puwede siyang umuwi para magbakasyon. Hindi man specialize ni Alex ang divorce cases ay tinangap nito ang kaso niya at sinabing tutulungan siya sa abot ng kanyang makakaya.
Pinahanda niya ang mga papel na dapat ihanda at saka siya nagdasal sa diyos na bigyan siya ng lakas ng loob at tamang pagiisip para makagawa ng tamang desisyon at nang gabi ng ikasampung buwan after ng graduation niya at dalawang buwan bago ang ikalimang taon nilang anibersaryo bilang magasawa ay napanuod niya ang video ni Lance na kasama si Lora sa isang magazine website, magkasama ang dalawa sa isang after party na pinagmodelan ng babae.
Okey lang sana sa kanya iyon pero ang talagang nakasakit sa kanya ay ang kaalamang nasa America ang asawa pero hindi man lang ito nagabala na puntahan siya at ngayon malinaw na sa kanya ang dahilan kung bakit siya malayo dito.
Isa siyang obligasyon na pinakasalan at responsibilidad na inako. Ang pagpapakasal nila ay hindi kagaya ng ibang magasawa. Hindi ba at kaya nga si Philip lang ang nagpunta para papirmahan ang marriage contract. Sinabi lang nito na busy si Lance at walang panahon para personal siyang puntahan.
Nang tanungin niya si Philip kung kailan ang kasal ay sinabi nitong pirmahan muna ang magaganap at pagkatapos na niyang magaral sila magdadaos ng kasal. Pero huwag daw siyang magalala at pagkatapos niyang magaral sa US ay uuwi siya at magsasama na sila ni Lance bilang magasawa.
Hindi man niya narinig ang salitang iyon galing kay Lance ay pinanghawakan niya iyon at umasa na mangyayari ang sinabi ni Philip. Pero nakatapos siya at lahat pero walang sumundo sa kanya para umuwi kagaya ng inaasahan niya. Masakit man ay nagdesisyon siya kung anong sa tingin niyang makakabuti para sa kanilang dalawa.
Nanlulumo siya sa kaalamang kahit nakatali sa kanya si Lance ay hindi naging hadlang para dito na pakisamahan ang nobya. Ang isa pang nagpapasakit sa loob niya ay ang katotohanang hindi nito itinatago ang relasyon bagkus ay pinapaalam pa sa buong mundo kaya minabuti na niyang idivorce na ito bago pa may ibang makaalam na magasawa sila kahit papano ay ayaw niyang may masabi ang mga tao dito.
Kaya kinausap niya si Papa Mario at nagdecide siyang pirmahan na ang divorce papers na parehong magpapalaya sa kanila mula sa kasal kasalan na meron sila. Ang plano niyang pagkuha ng residency sa US ay napalitan ng desisyong umuwi sa Pinas ng sabihin ng Papa Mario na mas makakabuti kung sa Pinas na siya manirahan lalo n at andun ito, pati si Tatay Manny at Nanay Minda na hindi na rin iba sa kanya.
At nang maayos ang lahat pati ang ospital na kung saan niya kukuhain ang residency, isang buwan bago umabot ang ikalimang taon ng kasal nila ni Lance ay pinadala ni Alex ang pirmado na niyang papel na magpapatibay ng pagpapawalang bisa ng kasal niya kay Lance at sa kahuli hulihang pagkakataon ay umiyak siya.
Iniiyak niya ang lahat ng sakit, galit, dissapointment at lungkot na naranasan niya sa loob ng limang taon bilang Mrs Katerina Luisa Medina Alonzo. Pero pagkatapos ng isang buwan mula nang ipadala ang papel kay Lance ay wala silang narinig mula dito at sa ikalimang taon nang anibersaryo nila ni Lance bilang magasawa ay nilisan niya ang bahay nito na naging saksi sa malungkot niyang buhay sa loob ng limang taon.