“Bachelor Lance Alonzo is married?”
“Lora Ayala, a mistress?”
Ayan ang headline sa mga diyaryo ngayon. May kasama pang litrato nila ni Kate. Mabuti na lang at natakpan niya ito kahapon bago pa makakuha ng litrato ang mga reporters na nasa hospital din pala nang puntahan niya ito.
Inutusan na niya si Philip na patayin ang balita tungkol kay Kate ayaw niya na guluhin ito ng mga reporter. Nagtalaga na rin siya ng magbabantay dito. Kagabi ay pinigilan niya ang sarili na matulog sa tabi ng asawa. Ang balak na paghiga sa tabi nito at yakapin sa pagtulog ay hindi niya tinuloy. Bumalik siya sa library at doon nagpalipas ng gabi. Pinagiisipan niyang mabuti ang mga sinabi ng ama sa kanya.
He knows that the right thing to do is let her go, ayun ang tamang gawin. Pero he cannot decide. He wants her to be happy na makahanap ng tao na magmamahal dito. But whenever he thinks of that possibility na may ibang hahawak or hahalik kay Kate ay nagdidilim ang paningin niya at gusto niyang maging bayolente.
Ang biglang pagbukas ng pinto ang nagpabalik sa kanya sa kasalukuyan at nang lingonin niya kung sino ang mapahangas na basta na lang pumasok sa opisina niya, ay nakita niya si Lora, asa likuran pa nito si Philip na pinipigilan ang babae. Sinenyasan niya si Philip at lumabas na ito.
“What’s the meaning of this?” Galit na sabi nito at napatingin siya sa hawak na diyaryo nito
Sumandal siya sa swivel chair at tinitigan ito. Ito ang babae na nakasama niya sa loob ng ilang taon at hindi ang asawa niya. Inisip pa niya na pakasalan ito at maging ina ng mga anak niya. Pero dahil sa pagkakamali nito na ipaalam sa buong mundo na may plano silang pakasal na hindi niya naman sinangayunan ay nawala ang amor niya dito.
“Lance!” Sigaw nito sa kanya “Tinatanong kita?”
“It is what it’s says, Lora” tamad na sagot niya dito.
“I’m a mistress?” Sigaw nito “Ako kabit. You must be kidding me.”
“Lora, kabit naman talaga kita. Nakalimutan mo ba na kasal ako?” Pagalit na sabi niya din dito “Huwag kang umasta na para bang tinago ko sa iyo ang totoo. You agreed to have a relationship with me fully knowing na may sabit akong tao”
“Damn you!” Sabi nito “I did agree pero hindi mo ko para ipahiya ng ganito.” Sabi nito “You made a mess now and pinagpipiyestahan na ng mga reporters ang pagiging kabit ko”
“I’m sorry about that but I cannot do anything. Aside sa patayin ang balita” hingi niya ng paumanhin dito. Tila kumalma naman ito at naglakad papunta sa kanya. Akma itong uupo sa kandungan niya pero pinigilan niya ito. Kita niya ang gulat sa mga mata nito. Pero lumakad papunta sa upuan na nasa harap ng lamesa niya.
“So, she’s really here?” Tanong nito
“Yes” tamad na sabi niya dito.
“She will be staying for good or just here for vacation?” Tanong ulit ni Lora sa kanya. Tinitigan niya ito ang laki nang pagkakaiba nito sa asawa niya. Maganda si Lora, medyo singkit ang mata at mestisa. Samantalang si Kate ay may bilogang mata na may mahahabang pilikmata, mapupulang labi na gustong gusto niya halikan at hindi man mestisa ay maputi rin at makinis ang balat.
“Lance!” Tawag ni Lora sa kanya na nagpatigil sa pagiisip niya “Tinatanong kita bakit andito ang asawa mo?” Galit na sabi nito. Natawa siya sa tanong ni Lora at kita niya ang pagtitimpi nito.
“Bakit ba dapat andito ang asawa ko?” Tanong niya pabalik dito “Hindi ba at dapat naman talaga na andito siya sa tabi ko bilang siya ang asawa ko?” Aniya dito
“So ano ang ibig mong sabihin? She will be staying for good? Paano tayo? Ang plano nating pagpapakasal? I even told the press about it?” Sunud sunud na tanong nito sa kanya
“Lora, I agree na we do have plans to get married. Umabot ang relasyon natin sa ganoon. But it is good while it last di ba?” Mahinahon na sabi niya dito “My wife is finally home and I admit na hindi ko pa alam kung anong dapat kong gawin but I’m sure of only one thing, she will be staying here with me”
“Hindi mo ko puwedeng basta baliwalain, Lance. Hindi ako papayag!” Sigaw nito sa kanya na may pagbabanta
“Lora, please don’t make it more difficult between us. Hangang dito na lang tayo and huwag mong ipilit ang gusto mo. It’s over and we need to go our seperate ways”
“F@ck you!” Galit na sabi nito “Ayaw mo sa asawa mo kaya pinatapon mo sa US and pinagpatuloy ang relasyon sa akin. Tapos ngayon sasabihin mo na we should part ways.” Naiiyak na sabi nito
“Anim na taon tayong magkasama. Pinangakuan mo ko ng kasal kahit na may asawa ka tapos ngayon na umuwi ang asawa mo na inaayawan mo, hihiwalayan mo ako!”
“I’m really sorry, Lora. Pero alam mo naman na hindi na tayo okey this last few years.” Hingi niya ng paumanhin dito “I admit na kasalanan ko ang lahat ng ito. Hindi ko dapat pinag patuloy ang relasyon na meron tayo dahil may asawa na akong tao.” Mahinahon niyang sabi dito “Pero ngayon andito na ang asawa ko and after seeing her I realized na mali ang naging pamumuhay ko sa loob ng limang taon”
Patuloy lang sa pagiyak si Lora “Please stop crying.” Aniya dito. “How can you do this to me, Lance? Pagkatapos ng lahat ng pinagsamahan natin.” Anito at nagtuloy lang sa pagiyak.
“I’m really sorry, Lora. But I do hope that you understand.”
Ilang minuto pa ay kumalma na ito at huminto sa pagiyak. Inayos ang sarili “I’m really sorry rin, Lance. Pero hindi ako makapapayag na basta mo na lang iwanan sa ere” galit na sabi nito. “I’m really curious bakit bigla nagbago ang isip mo. Ang plano mo before ay idivorce ang asawa mo after niya makatapos and then umuwi lang siya ay nagbago ang ihip ng hangin” nanguuyam na sabi nito sa kanya.
Tinignan niya ito at kita niya ang galit sa mga mata nito. “I will find a way to meet her, your mysterious wife” Anito na may pagbabanta.
“Don’t you dare come near her.” Galit na sabi niya dito. Tumawa ito ng nakakaloko.
“We will see, Hon. We will see” sabi nito na nanguuyam na himig. Tumayo ito at napatayo na rin siya.
“I’m warning you, Lora. Don’t you dare come near my wife. You won’t like me when I get mad and you know that” seryosong sabi niya dito. Tinaasan lang siya nito ng kilay at naglakad palabas ng opisina niya. Isang napakalakas na pagsara ng pinto ang tanging naging sagot nito sa kanya.