FIRST KISS

1210 Words
SA pagkasok ko sa loob ng classroom, ang tahimik ng mga kaklase ko. Nakakagtataka na mababait silang lahat. Anong meron at tahimik sila? Dahan dahan pa akong umupo sa upuan ko saka mahigpit na niyakap ang bag ko. Ayoko ng ganitong pakiramdam. Parang mayroon silang namumuong plano na 'di ko mawari kung ano. Napatingin tingin ako sa mga kaklase ko. "Melchora, mayroon ka ba?" tanong ng katabi ko sa akin. Bigla akong napatingin sa kanya. "Huh? W-Wala. Bakit?" Kinakabahan na ako sa uri ng ngiti nito. May ginawa na naman sigurong kalokohan ang mga kaklase ko sa akin. "Tignan mo ang palda mo puro pula. Yuckk... Kadiri ka! Magpalit ka nga," halos hindi maipinta ang mukha ng katabi ko sa sobrang pandidiri sa akin. Ano bang pinagsasabi nito? Katatapos lang ng monthly period ko. Tumayo ako at napatingin sa suot kong palda. S*cks! Papaanong may pulang mantsa ang palda ko? Iyong kapapasok ko palang sa loob ng classroom, ganito pa. Hiyang hiya ako na lumabas ng silid namin, bitbit ang bag. Halos wala akong mukhang maiharap sa lahat ng mga kaklase ko. Dinig ko ang malakas na tawanan nila. Ako na naman ang center of attraction nilang lahat. Sa araw araw na pumapasok ako, mayroong mga bagay na ginagawa sila para ipahiya ako sa iba. Wala naman akong magawa kung hindi ang umiyak o ang tumakbo palayo sa kanila. Tinitiis ko dahil sa gusto kong makatapos ng pag-aaral ko. Kahit sobrang pangungutya ang inaabot ko sa kanila. Nagtatakbo ako papunta sa ladies comfort room. Nangingilid ng luha ang mga mata ko na naupo sa inidoro na vacant cubicle. Hanggang sa bumuhos na ang luha. Napasapo ako sa mukha ko at humagulhol. Ang dami nang gumagulo sa isipan ko, dumagdag pa ang sa University at mga kaklase kong bully. Mas lumala pa ang pangbu-bully nila sa akin dahil sa nangyari kay tatay. Anak daw ako ng magnanakaw. Nakakahiya raw ang pamilya namin. Masama kami at hindi ako nababagay mag-aral sa University. Ilan lang iyon sa mga pangungutya na natatanggap ko sa kanila at sa ibang mga tao. Kulang na lamang ay paalisin kami sa bayan namin. Para kaming nay nakakahawang sakit kahit na 'di naman totoong nagnakaw si tatay kay Mr. Cruz Mayer. Gusto kong sumigaw, ipaglaban ang totoo. Hindi kami pamilya ng magnanakaw. Gusto kong itama ang maling impresyon nila tungkol sa amin, sa pamilya ko. Pero, paano ko iyon gagawin kung nakatatak na sa mga utak nilang magnanakaw kami. Pinunasan ko ang mga luha ko at inikot papunta sa harapan ang mayroong pulang mantsa. Inayos ko ang sarili ko at tumayo na mula sa pagkakaupo ko aa inidoro. Lumabas ako ng cubicle. Napatingin sa salamin, hilam pa rin ako ng luha. Naghilamos ako ng mukha ko para mawala ang bakas ng luha sa mata ko. Pinupunasan ko ng basang panyo ang palda ko. Nang may biglang pumasok sa loob. Natigilan ako nang makita ang lalaki na pumasok. "Ladies wash room po ito. Mali po ata kayo," magalang na sabi ko pa. Napatitig ito sa mukha. Pero ramdam ko ang paggalaw ng mga mata nito na sinuyod ako ng tingin. "Are you sure this is ladies' wash room?" tanong nito. Sunod sunod naman akong tumango. Tumaas ang sulok ng labi nito. "Nagkakamali ka, miss. Men's wash room ito. Kung gusto mong malaman kung totoo ang sinasabi ko. See for yourself. Lumabas ka at tignan mo kung sa babae nga itong wash room." Tumaas ang kilay ko. Inutusan pa talaga ako. "Alam mo, mister, bago ako pumasok dito. Sigurado akong sa pambabaeng banyo ako pumasok. Kaya lumabas ka na!" Alam kong guwapo siya at wala itong karapatang ipamukha sa aking tanga ako, na mali ako ng pinasukang banyo. Palihim kong sinulyapan ang lalaki. Naka-blue suit ito na parang businessman. Bakat ang ganda ng katawan nito sa suot niya. Maganda ang mga mata nitong seryosong nakatuon sa akin. Ganitong ganito ang lalaking gusto ko. Mature, guwapo at disente. Pero malabong magustuhan ako. Alam ko sa sarili ko na hindi ako kasing ganda ng mga babaeng kaklase ko. Pangkaraniwanan lang ang mukha ko at puro taghiyawat pa. Sh*t! Melchora, ano ba 'yang mga pinag-iisip mo? Sa tindig ng lalaking nasa harapan mo ngayon, mukhang mayaman na. Sabi nga nila, ang mayaman daw ay para sa mayaman din. At ang mahirap ay para sa isang katulad ko ring mahirap at pangit. Nagpakawala ako ng buntong hininga at tumango tango. "Sige. I will check it, mister," nasabi ko na lamang para matapos na at pumunta ako sa labas para tignan ang signage na nasa pintuan. Halos magdugo ang labi dahil sa pagkagat ko. Nakakahiya! Para tuloy gusto ko na lang maglaho o sana'y lamunin na lang ako ng lupa sa sobrang kahiyayan. "I already made it clear that this restroom is for men. Ano sa tingin mo ang nararapat na parusa para sa taong pilit nakikipagtalo pero mali rin naman pala siya?" Anito. Walang ganan akong napaharap sa lalaking nagsalita sa likuran. 'Di ko alam ang isasagot ko sa tanong niya. Sa huli ay napakibit na lamang ako ng aking balikat. Anong parusa ang pinagsasabi nito? "Wala naman tayong pinag-usapan kanina na may parusa kung mali man ako. Ang sabi mo lang ay comfort room ito ng mga lalaki. Napatunayan mo na kaya babalik na ako sa classroom namin. Baka nagsisimula na ang klase namin," tanging nasagot ko na hindi sinasalubong ang tingin nito. Aamba na akong aalis nang bigla niya akong hawakan sa braso ko at hinila papasok muli sa loob ng banyo. Kaagad niyang isinarado ang pinto. He pinned on the door and kissed me on the lips. Nanlalaki ang mata ko at 'di ako agad nakagalaw. Nakapikit ang kaniyang mga mata habang marahan akong hinahalikan. A stranger and super hot mature guy kissing my lips. That's my first kiss na ninakaw niya! Gusto kong maghurumentado sa ginawa ng mapangahas na lalaking ito. Pero, bakit parang nagugustuhan ko ang halik niya? Nagsitayuan ang mga balahibo ko. Iba ang nararamdaman ko sa sinasabi ng isip ko. I closed my eyes. Ninanamnam ang malambot nitong labi na humahalik sa labi ko. 'Di ako marunong humalik kaya hinayaan ko na lang siyang angkinin ang labi ko. Naramdaman ko ang kamay niya na dumapo sa ibabaw ng dibdib ko na natatakpan pa ng suot kong uniform. Doon ako parang nahimasmasan at buong puwersa siyang itinulak. Hinahabol ko ang aking paghinga na napatingin sa lalaking kumuha ng first kiss ko. "Is that your first kiss?" May mapanuksong tanong nito sa akin habang pinaglalandas ang daliri sa labi niya. Napameywang ako ay napatiim. "H-Hindi, noh.. May nakahalik na sa labi ko," sagot ko na napaiwas ng tingin. "I have to go, babe. I'll meet you soon. I heard you crying inside the cubicle. Whoever hurt you, tell me when we meet again." Nagmamadali na itong nagpaalam. Napaamang ako na napaharap sa lalaki. Tinawag niya akong babe. Hindi naman kami. Binubuksan na nito ang pinto ng banyo. "T-Teka! Ano bang pangalan mo?" Napahinto ito at humarap sa akin. "Next time. I'm pretty sure we will meet again," sagot nito na nagmamadali ng lumabas ng banyo. Hinabol ko siya sa labas pero nawala na lang ito na parang bula. Napapakamot ako ng ulo ko na bumalik naglalakad papunta sa classroom namin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD