ISANG hikbi ang kumawala sa bibig ni Elena habang pinagmamasdan ang napakalawak na farm na pagmamay-ari niya. Hindi niya inaakalang mawawala din pala ito sa kanya. Pati ang bahay na pinagawa niya, napilitan siyang ibenta dahil sa laki ng gastusin ng kanyang ina. Buong sakit niyang tinitigan ang kabuuan ng farm. Gusto niyang mapahagulhol sa isiping hinding-hindi na ito magiging kanya. Lahat ng pinagpaguran niya, bilang isang modelo, sa isang iglap, naglaho ang lahat sa kanya. Buong pait siyang napayuko at humagulhol. Pakiramdam niya, talagang pinapalo siya ng itaas, halos wala ng itira sa kanya. Nanganganib pa ang ilang sasakyan at condo na pagmamay-ari niya na sa Maynila. Hanggang ngayon, hindi siya makahanap ng mapapasukan. Hindi rin siya matulungan ng kaibigan dahil sa kumaka

