MAINGAT ang bawat hakbang ni Rozel habang pababa ng hagdan. Gusto niyang masiguro na hindi sila magkakasalubong ng ninong niya. Natatakot kasi siya na baka gawin na nito ang parusa para sa kasalanang ginawa niya. Huminga siya ng malalim ng ganap siyang makababa ng hagdan. Pero napatalon siya sa gulat ng marinig ang boses ng ninong niya. "Rozella." "N-Ninong.." Lumapit ito sa kanya na ikinaatras niya ng bahagya. Pagkatapos ay kagat ang labi na nagbaba siya ng ulo. "Tumingin ka sakin." Agad niyang sinunod ang sinabi nito. Dumukwang ito palapit sa kanya at mahina siyang kinausap. "Mawawala ako ng ilang araw. Pero, wag na wag kang susuway sa utos ko. Manatili ka lang dito sa loob ng bahay. At kapag nalaman ko na sinuway mo ako." Huminto ito saglit sa pagsasalita at matiim siyang tiniti

