21

1241 Words

NINE thirty na nagising si Lara na mag-isa sa kama. Ikalawang araw na iyon mula nang umuwi sila ni Gabriel galing sa rest house sa Batangas. Ang unang araw, busy siya sa laptop at sa gig kinagabihan. Bagsak na siya pagdating sa condo. Kagabi naman, pagod na mga mata ang nagpatulog sa kanya. Nagsulat siya at nagbasa ng libro. Antok na antok na siya nang pumasok si Gabriel at nag-iwan ng halik sa noo niya. Pagkagising ni Lara, may napansin siyang gift na katabi niya sa kama. Nakangiti pa siya nang binuksan iyon—voice recorder, flash drive at photo album ang laman ng gift. Nasa ibabaw ng album ang isang note. Take care of yourself, beautiful. Eat on time, love. Don't miss me. If you do, write. Kumabog ang dibdib ni Lara. Pinakinggan niya ang voice recorder—boses ni Gabriel ang narinig niya.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD