IV

1153 Words
“Kaawaan ka apo. Jusko, lalo nang lumala ang pagdadamit mo. Mabuti na lamang at hindi kayo malapit ni Jennie dahil kung hindi baka naimpluwensiyahan mo na rin siya ng kakaibang pananamit mo.”Sabi ng kaniyang lola na pinagmulan ng mahihinang tawanan ng kaniyang mga tiyahin at ilang mga kapitbahay na naroroon para tumulong. “La, summer po ngayon kaya ganito talaga dapat ang outfit. Underdress pa nga ako kung nasa Manila ako.” Pagrarason ni Lori pero bigla na siyang hinila ng kaniyang ina na kapapasok lamang dala ang isang isang timba ng mga patatas. “Ano yang suot mo?”Gigil na tanong ng ina pagpasok nila sa laundry room. “Ahm, summer dress, Ma!” “Alam ko pero bakit ganiyan ang naisipan mong suotin? Lori naman. Ginagawa m ba talaga lalong katatawanan ang pamilya natin? Panigurado ako na lahat sila iisipin na nagsuot ka ng ganiyan dahil bitter at nagpapansin ka kay Phillip.” “Oh my ghad! Ma! This is not about Phillip. Hindi lahat ng galaw o hininga ko ay tungkol kay Phillip. Ano ba naman yan! Parang kayo pa ang hindi nakakamove-on eh. Sana talaga hindi na ako nagpunta kung pati pagsusuot ko kay Phillip pa rin!”Inis na sabi ni Lori. “Ah basta! Magpalit ka dahil maya-maya lang ay darating na sina Jennie at Phillip.” “No! Dito ako masaya. Ito ang susuotin ko. I’m sorry, Ma! Nagpunta na ako and you know how I disprove to that in the first place pero pinilit niyo pa rin po ako. The least you can do is respect the way I dress up myself.” Naglakad palabas si Lori at tinawag si Kate para ipakilala sa lahat. Pagkatapos ay tumulong na sila sa paghihiwa ng mga sangkap na gagamitin. Makalipas ang ilang minuto ay nagkaingay na at sinabing maghanda na ng kainan dahil darating na raw sina Jennie at Phillip. Tumulong naman si Lori kahit skeptical ang mga tao. Hinayaan na lamang niya dahil kung papatulan ay lalo lamang siyang pag-iisipan ng mga tao. “Anong meron sa family mo?” bulong ni Kate habang ibinababa nila ang dalawang plato ng kanin sa mahabang mesa sa labas ng bahay. “Mahabang kwento, wag mo na alamin.” “Hidni ko feel ang vibe nila. Ang bigat.” “Ngayon alam mo na kung bakit hindi ko trip ang probinsiya? Ito ang dark side ng probinsiya. Sa likod ng magagandang tanawin at tahimik na kapaligiran, eto ang nakatago.” “Nagegets na kita. Pero ano bang meron?” “Tsk! Wala, manahimik ka na.”Saway ni Lori at hinigit na si Kate paupo ng mahabang kahoy na upuan. Pero ang kaba at antisipasyon niya sa muling paghaharap nila ni Jennie ay nawala nang makita niya si Jacob na naglalakad kasama ng mga tao papunta sa mesa. Agad na nangunot ang kaniyang noo at sumama ang mukha. “Mukhang hindi ka masaya na makita ako, Lori.”Sabi ni Jennie na hindi niya napansin na nakatayo na pala sa kaniyang harapan. “Sorry hindi kita napansin. Hindi ako sayo nagtataray, kay Jacob.”Diretsahang sagot ni Lori nang ibaling ang tingin sa pinsan. “Si Jacob? A-Anong meron kay Jacob? Paano mo siya nakilala?”Pahiya nitong tanong na halatang hindi inaasahan ang kaniyang sagot. “Wag mo na alamin, Jen. Mahabang kwento. Kasama ba natin siyang kakain?” “O-Oo. Inimbita ko na siya dahil siya ang supplier sa restaurant namin ni Phillip. Kaya parang family friend na rin.” Mataray na tumingin si Lori kay Jacob at tinaasan ito ng kilay. “Ganon ba. I guess I have no choice.” “Mukhang hindi naman ako gusto rito.”Paawa pang sabi ni Jacob na mas kinainis ni Lori. “No. Seat down. Join them. Trust me, my opinion and feelings do not matter here, so yeah.”Pilit ang mga ngiting sabi ni Lori. Nagkatitigan sila ni Jacob bago ito naupo. Kita pa niya ang mapanuway na mga tingin ng kaniyang ina pero hindi na niya ito pinansin. “So, buti naman at nakarating ka.”Usal ni Jennie nang magsimula na ang pagkain. Natigilan sa pagsubo si Lori at tumango. “Sabi kasi ni Mama, she will hate me kung hindi ako pupunta. Kaya, I had to go. Wala talaga sana akong balik, magpapadala lamang sana ako ng gift dahil ngayon lang kami nagkaroon ng break after our duties ng sunod-sunod na araw.”Paliwanag ni Lori at uminom ng tubig. “Talaga ba? O sadyang galit ka pa rin sa amin?” Natigilan ang lahat sa pagkain at napuno ng katahimikan ang mahabang mesa. Ngumisi si Lori at humalakhak. “Seriously? Bakit mo naman naisip na galit pa rin ako sainyo? It’s been five years for ghad sake. Ni hindi ko na nga naalala ang mga nangyari. Pagod lang ako Jen, that’s it. Saka buti kung biro ang biyahe from Manila papunta rito. Sobrang hassle. And you know how much I hate province life. Hindi ako tatagal. Mula pagkabata, nasabi ko na yan sayo.” “But I am marrying the man you once dreamt of marrying.”Wika ni Jennie kahit kita na niyang inaawat na ito ni Phillip. Napaismid si Lori at umiling. “If you are asking sorry, matagal na kitang napatawad Jennie. Besides, I have my own fault too. I chose my career over him. Nangarap ako ng masyadong mataas, napaka inconsiderate ko sa feelings ni Phillip. I expected him to fly with me when he has his own dreams too. So yeah, no hard feelings. Look at us naman ngayon. May kani-kaniya na tayong mga buhay and we are all doing well. Hindi pa ba sapat yon?” “Sinungaling. Plastic ka pa rin hanggang ngayon, Lori.”Iyak nito at nangingilid ang mga luhang dinuro siya. “Oh ghad! Stop it, Jennie. Kung ganiyan ka kinakain ng konsensiya mo, labas na ako diyan. Kung hindi ka pa rin makawala sa nakaraan, then I’m sorry if I chose to move on.” “Napakasama mo talaga, Lori. Ako pa ang gusto mong magmukhang masama sa harapan ng lahat.” Nanlaki ang mga mata ni Lori at nangunot na ang noo. Pero akmang sasagot pa ulit ay tumayo na ang kaniyang ina. -Lori! Leave!”Kunot-noong napatingin si Lori sa ina. “Ma? Bakit ako?” “Umalis ka na lamang. Wag mo na palalain ang gulo!” “Ha? Wala namang gulo! Damn it. Hindi na dapat ako nagpunta rito! Yong mga regalo ko sa mga bata nasa dalawang maleta. Yong isang maleta, sainyo yon Jennie.” Dismayadong tumayo si Lori at agad na naglakad palayo habang nakabuntot si Kate. Hindi niya mapaliwanag ang nararamdaman sa mga sandaling iyon. Pakiramdam niya parang siya pa ang may kasalanan gayong siya na nga itong niloko ng dalawa. “Ahm, Lori...” “Not now, Kate.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD