V

1201 Words
“Sorry ha.” “Wala kang kasalanan sa akin. Ok?” “But you deserve a sorry. Ako na ang gagawa, baka sakaling makagaan sa iyong pakiramdam.” Napahinga nang malalim si Lori at pinahid ang mumunting mga luhang tumulo sa kaniyang pisngi. “Ipapaayos ko lang ang kotse at uuwi na tayo. Magleave tayo, punta tayong Japan, o kung saan pang bansa.” “Sige, Lori! Kahit saan mo gusto!”Umiiyak nang sabi ni Kate. Natawa na lamang si Lori at inayos ang suot na sunglasses. Pagdating sa tabing-kalsada ay lumingon-lingon siya para magtingin ng papadaang tricycle. Pero laking gulat niya nang may humawak sa kaniyang braso. “Ako na ang maghahatid sainyo.”Sabi ni Jacob nang magtama ang kanilang mga tingin. “B-Bakit ka sumunod? Kumakain pa kayo.” “Nawalan na ako ng gana.” “Tsk! Wag na. Kaya na namin to. Baka mamaya maging utang na loob ko pa.” Pero hindi naman siya nito pinakinggan, imbes bigla na lamang siyang binuhat at inalalayan paakyat ng tracer. “Wag kang mag-alala, hindi ito magiging utang na loob. Dahil sisingilin ko ito.” “Ha? Anong ibig mong sabihin?” “Hindi ko tinatanggap ang perang iniabot mo dahil sinabi ko na sayo na hindi ko kailangan ng pera mo.” “Jusko, ano bang kailangan kong gawin, ha?” “Gusto kong magsaka ka at pagpaguran mong mapunan bawat butil na nawala sa amin kahapon.” “What?! No! May trabaho pa akong babalikan. Kung gagawin ko yon, baka isang buwan ay kulang pa. By then, patay na ako.” “Sa twenty years na pagsasaka ko, hindi pa naman ako namatay.”Natatawang sabi ni Jacob nang sumakay sa box seat at hinawakan ang tali na nagcocontrol sa kalabaw. “Pero lalaki ka.” “Marami kaming kasamahang mga babae at wala pa naman akong nababalitaang namatay dahil sa pag-aani.” “This is crazy, Jacob! I can’t! Hindi ko kaya!” “Wala kang choice dahil iyon ang gusto kong kapalit para matutunan mo ang leksiyon mo.” “Ilang beses ko bang sasabihin na hindi ko nga sinasadya! It was all an accident! Ghad! Mahirap bang intindihin yon?” “Te, tanggapin mo na. Sige na? Saka na tayo mag-Japan. Promise, tutulungan kita.” Sabat ni Kate sa likuran na ngayo’y malawak na ang ngiti dahil makatabi na ulit sila ni Leo. “Kate naman! Kapag tinanggap ko yon, parang sinabi ko na ring kasalanan ko talaga!” “May part rin naman na kasalanan talaga natin dahil sa dami ng lugar diba, doon natin pinili? Wala sanang ganong nangyari.” “You’re impossible, Kate!” Ibinaling niya ang tingin kay Jacob na hindi manlang nagbago ang malamig na ekspresiyon sa mukha nito. “Fine. Tinatanggap ko. Siguro nga hindi lahat ay nababayaran ng pera. Pero sana pagtapos nito, hindi na muling magkrus pa ang mga landas natin.”Wika ni Lori habang nakatitig sa mga mata ni Jacob. Umusad na ang mala-karwaheng sakayan nila at inihatid na sila pauwi ni Jacob. Kinabukasan ay inunahan na ni Lori ang pagtilaok ng mga manok. Pero hindi niya inaasahang mas nauna na palang nagising si Kate. “Good morning! Hehe! Hindi kasi ako makatulog kaya nagluto na ako ng makakain at makakape natin.”Bati nito na nakasuot na ng pangsaka. “Tsk! Ang sabihin mo, hindi ka na makapag-intay sa kalandian mo.”Irap ni Lori at agad na pumasok sa banyo para maligo. Paglabas ay napaso pa si Kate ng iniinom na kape pagkakita sa kaniyang suot na yellow sundress at puting wedge heels. “Bakit ganiyang ang suot mo?”Bulalas nito sa gulat. “Bakit? Anong problema?” “Anong problema? Lahat problema! Baka nalilimutan mo, magsasaka tayo, Lori. Hindi tayo nasa ospital na pwede mong suotin ang kahit anong kikay mong mga damit sa ilalim ng doctor’s gown.” “Relax, Kate. I can handle this! Ako pa ba?” Napailing na lamang si Kate at tawang-tawang ipinagpatuloy ang pag-inom ng kape. Pagdating nila sa sakahan ay agad na napataas ang mga kilay ni Lori pagbaba ng kotse. Sa harapan nila, maraming kalalakihan ang nagtatabas na ng mga aning palay habang nag-aagaw ang liwanag at dilim sa kalangitan. Malamig ang simoy ng hangin at masigla ang tunog ng mga ibon na nagliliparan sa paligid. Karamihan sa mga kalalalakihan ay nakatopless, may tali ng panyo ang noo, may sakbit na basket na yari sa yantok, at may hawak na mga tabak. “Oh my gee! Kasama na ba ang San Antonio sa seven wonders? Kasi, walang-wala ang kahit anong bansa sa tanawin na nakikita ng aking mga mata.”Ngiting-ngiting sabi ni Kate na parang kinukuryente sa kaniyang tabi. “Oh shut up, Kate. Ayaw ko pa maging Ninang.”Sabi ni Lori at kikendeng-kendeng na naglakad sa tapat ni Jacob. “So, anong kailangan kong gawin?” Naka cross-arms na tanong niya sa binata habang pinagmamasdan ang marahang pag-agos ng pawis nito sa tila perpektong hulma na mga abs. Tumigil si Jacob sa pagtatabas at tinapunan siya ng galit na tingin. “Pumunta ka muna sa kubo. May mga damit doon si Lola Vida, magpalit ka.” “What? Ok na tong suot ko. Mas komportable ako sa suot ko.” “Nagpapatawa ka ba? Sa tingin mo ba nasa beach tayo?” “Whatever! Pag sinabi kong kaya ko with this get-up, kaya ko. Ok? Can we start working na? I have to finish it until tomorrow dahil kailangan ko pang bumalik sa Manila to get back to my old life and forget about all this nightmare!” Inabot sa kaniya ni Jacob ang isang tabak at isang de-sakbit na basket na yari sa yantok. “Panooran mo lang ako at mag-ingat ka dahil baka mamali ka ng magapas, masugatan ka. Ayaw kong mawawalan ka na naman ng malay dahil naman sa dugo.” Isinakbit ni Lori ang basket at preskong hinawakan ang tabak. “I’m a neurosurgeon, for your information. At ako na ang nagsasabi sayo, blood is the least thing in this world that would terrify me dahil lagi akong nakakakita ng dugo.” “So jebs lang kahinaan mo?” Nanlaki ang mga mata ni Lori sa gulat. “You shut up, Jacob! Partikular lamang ako sa kalinisan. Ah! Bakit ba ako nagpapaliwanag. Magsimula na tayong magtrabaho. Ay wait pala, nasaan na yong tracer mo? Diba mas mapapabilis yon?” “Mamaya pa darating galing sa pagawaan. Hanggang wala pa, ito muna. Sayang ang oras kung maghihintay pa tayo.”Sagot ng binata at nagsimula na ulit maggapas. Wala nang nagawa si Lori kundi ang magpakawala ng malalim na hininga at nakapikit na humakbang sa damuhan habang panay ang dasal na ilayo siya sa anumang insekto at nakamamatay na bacteria. At bago pa sumapit ang tanghali ay pagod na pagod na si Lori sa kasisigaw at pakikipagtalo kay Jacob. “Sobra ang saya ko. Ngayon na lamang ulit nagkaroon ng kulay at ingay ang sakahan. Salamat sa pagdating mo, Lori!”Sabi ni Lola Vida habang ibinababa ang mga baso sa kawayang mesa sa terrace ng kubo kung saan sila nakaupo para mananghalian.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD