Chapter 5: Curious.

2194 Words
Napaawang ang bibig ko nang marinig ko ang sinabi ni Leviticus. Ilan sa mga lobo noon ay nandoon rin habang pinapatay ng mga bampirang iyon ang limang mangkukulam? Kung ganon ay kasama sila sa pumatay sa limang mangkukulam noon? “No, hindi kami kasama sa pagpatay sa kanila.” Napabaling ako nang tingin kay Leviticus ng magsalita s’ya. Agad na kumunot ang noo ko at balak sanang itanong kung paano n’ya nalaman ang iniisip ko ngunit naunahan na n’ya ako. “Nabasa ko sa emosyon mo.” Aniya na ikinatulala ko. Narinig ko ang matunog n’yang pag-tikhim. “Alam kong nagtataka ka kung bakit meron sa amin ang naroroon,” Ani ni Leviticus. Muli kong ibinigay ang buo kong atensyon sa kan’ya. Gustong kong malaman ang dahilan kung bakit nga nandodoon ang ilan sa kanila. “Agustus, the late Alpha king, who was the one responsible for the meeting with the five most powerful witches of that time.” panimula n’ya muli. Muling natuon ang atens’yon ko sa kan’ya nang magsimula s’yang magkwento patungkol naman ngayon sa dahilan kung bakit nadawit ang angkan nila sa nangyare noon. “Nais ni Agustus na makausap noon ang limang mangkukulam na nakakaalam kung paano mapapaalis ang mga kaluluwang ligaw na kadalasang umaatake sa kagubatan ng Arran. Walang nakakaalam kung paano nagpasimulang kumalat ang mga kaluluwang iyon, ilan sa mga kalahi kong minsan na ring nangaso sa kagubatang iyon ay inatake rin ng mga iyon.” Saglit s’yang huminto. Ngunit nagpatuloy rin di kalaunan. “Dahil sa limitadong kaalaman patungkol sa mga ito ay napilitang humingi ng tulong si Agustus sa limang mangkukulam. Madaling sumang-ayon ang mga mangkukulam dahil na rin sa epekto nang mga ito hindi lang sa kanilang lahi, kundi maging sa iba rin. Sa araw ng kanilang pagpupulong, naunang dumating sa lugar na napag-usapan nilang pagkikitaan ang grupo nina Agustus. Hindi rin naman nagtagal at dumating din ang limang mangkukulam.” Pagpapatuloy n’ya. “Doon nalaman nila Agustus na ang angkan ng mga demonyo ang nasa likod kung bakit ang mga kaluluwa nang mga namayapa na ay muling nagbalik sa lupa upang manggulo sa bawat angkan. Dahil dito’y naisipan ng mga mangkukulam na magsagawa ng ritual upang matahimik at muling bumalik sa kanilang namayapang katawan ang mga kaluluwang nangugulo sa karamihan. Sa gitna ng kanilang pagpupulong ay hindi nila inaasahan ang biglaang pagdating nang grupo ng mga bampira. Ang buong lugar ay napalibutan ng mga bampira dahilan upang magduda ang mga mangkukulam sa kanilang ikinikilos. Maikling usapan lang ang naganap sa pagitan ng limang mangkukulam at ng mga bampira bago mag-umpisang atakehin ng mga bampira ang mga mangkukulam. Ang grupo nina Agustus ay tumulong rin sa mga mangkukulam upang kalabanin ang mga bampira, ngunit dahil sa dami nila ay halos mahirapan silang makaalis sa lugar na iyon. Maging ang limang mangkukulam ay tila humina dahil sa isang bagay na suot ng mga bampira sa kanilang pakikipaglaban. Sinubukang iligtas nina Agustus ang limang mangkukulam ngunit marami ang humarang sa kanilang mga bampira. Wala silang nagawa kundi labanan ang mga ito at piliting makapunta sa pwesto ng limang mangkukulam, sa kalagitnaan ng kanilang pakikipaglaban ay bigla na lamang huminto sa pakikipaglaban ang mga bampira. Dahil dito ay mabilis na pumunta ang grupo nina Agustus sa pwesto ng mga mangkukulam, ngunit huli na sila. Nadatnan na lamang nilang naliligo na sa sarili nilang mga dugo ang limang mangkukulam habang mayroong nakatarak na kakaibang espada sa kanilang puso. Doon lamang dumating ang ibang mangkukulam na halos manigas sa kanilang kinatatayuan matapos makita ang kanilang kalahing wala ng buhay. Sinubukang magpaliwanag nina Agustus sa mga ito ngunit laking gulat na lamang nila nang paulanan sila nang atake. Inakala ng mga mangkukulam na ang angkan ng mga bampira at lobo ay nagsanib pwersa upang paslangin ang limang mangkukulam na iyon.” muli s’yang tumigil ulit. Narinig ko ang pagbuntong hininga n’ya bago muling magpatuloy. “Simula noon, ang buong angkan ng mga lobo ay napilitang magtago upang mabuhay sa mundong ito. Hindi naging madali para sa amin ang mamuhay habang pinaghahahanap kami ng mga mangkukulam upang paslangin.” pagtatapos n’ya sa kan’yang kwento. Wala akong naging salita matapos n’yang magkwento. Simula nong isilang ako sa mundong ito ay walang nakapag-sabi sa akin patungkol sa nangyare sa nakaraan. Saka ko lamang naitanong sa sarili ko kung bakit ganito ang pagtrato sa amin ng mga mangkukulam simula nang patawan ako ng sumpa ng isa sa kanila. Hindi ko lubos akalaing mayroon palang ganito kalaking galit sa aming angkan ang mga mangkukulam na pati ang angkan ng mga lobo ay nadamay dahil sa kagagawan nang kalahi namin noon. Muli kong binalingan si Leviticus na noo’y tahimik sa kanyang kinauupuan. Aaminin kong masaklap ang dinanas nila sa mga nakalipas na henersayon. Kalahati sa kanilang poppulasyon ay pinatay dahil sa isang hindi pagkakaunawaang nauwi sa malagim na pagtugis at pagpatay. “Ngunit bakit?,” litong tanong ko sa kan’ya. Ramdam ko ang pagbaling n’ya sa akin. “Bakit ngayon ay nandito ka kasama namin? Bakit parang ayos lang sayo ang makasalamuha kami? Hindi ba dapat ay galit ka dapat sa angkan namin?” Sunod-sunod ang naging pagtanong ko sa kan’ya. Narinig ko ang mahina n’yang pagtawa, tila nasisiyahan sa naging reaksyon ko matapos kong tanungin ang mga bagay na iyon. “Bakit nga ba?” Tanong rin n’ya sa sarili n’ya. “Pinalaki ako nang mga magulang ko na huwag magtanim ng galit ka kapwa ko. Namana ko ang ganitong ugali ko sa ina ko,” Saglit s’yang tumigil, muli kong narinig ang pagbuntong hininga n’ya. “At isa pa, naniniwala akong walang kasalanan ang mga bampira.” Nagulat ako sa sinabi n’ya. Naniniwala s’yang walang kasalanan ang angkan namin gayong alam ng lahat na ang angkan namin ang nagbuwag nang tiwala at tumalikod sa pagkakaibigang namagitan sa angkan nang mga mangkukulam at bampira noon. “Anong ibig mong sabihin?” Hindi kaagad s’ya nakasagot sa akin. Tila nahihirapan din s’yang ipaliwanag sa akin kung bakit n’ya nga ba nasabi iyon dahil ilang beses n’ya ring sinubukang ipaliwanag sa akin ang dahilan n’ya ngunit kaagad ring tumitigil. “Hindi ko pa alam kung paano ko maipapaliwanag.” Aniya matapos ang ilang subok n’ya kanina. “Ayos lang naman ‘yon.” tugon ko sa kan’ya kahit na gustuhin kong malaman. Walang umimik sa amin pagkatapos non. Hindi ko alam kung saan na napunta ang pangahas na bampirang si Cassius, wala na s’ya sa tabi ko nang matapos magkwento sa akin ni Leviticus kanina. Marahan akong sumandal habang iniisip pa rin ang mga kinuwento sa akin ni Leviticus. Hindi ako makapaniwalang ganoon pala ang nangyare noon. Akala ko ay talagang masasama lamang ang mga mangkukulam at nakakatakot sila dahil sa kanilang mga kapangyarihan. Iyon ang unang pumasok sa isipan ko simula nang patawan ako ng sumpa noon. Ngunit ngayong nalaman ko ang dahilan kung bakit nila ginagawa sa mga bampira ang mga ‘yon ay mayroon sa aking naiintindihan sila, ngunit mayroon pa rin sa akin ang hindi sumasang-ayon dahil sa patuloy na epekto ng kanilang galit hindi lamang sa angkan ng mga bampira, kundi maging sa angkan na rin ng mga lobo. Hindi pa ba sapat sa kanila ang dami ng kanilang mga pinatay at isinumpa? Hanggang kailan nila gagawin ito? Hanggang kailan nila paiiralin ang galit? Ipinilig ko ang ulo ko. Hindi ko dapat isipin iyon. Marahil nga na galit at pagkamuhi ang nauuna sa kanila ngayon, ngunit hindi pa rin non mawawala ang sakit at poot ng nagawa ng angkan namin sa kanila. Malalim akong napabuntong hininga. Hindi ko alam kung kanino ako papanig. Masyadong komplikado ang mga nangyare na pati ako ay naguguluhan na rin. Narinig ko ang marahang pagtikhim ni Leviticus. Maya-maya pa ay nagsalita na s’ya. “Can I ask you?” napabaling ako sa direksyon n’ya. “A-ano ‘yon?” Tanong ko pabalik sa kan’ya. “Why are you wearing a mask?” Tanong n’ya bigla dahilan kung bakit hindi ako nakasagot sa kan’ya. Tila mayroong bumara sa lalamunan ko, mapait akong lumunok habang iniisip ang dahilan kung bakit nga ba suot ko ang maskarang ito. Marahan kong hinaplos ang maskara sa mukha ko. “Nevermind, hindi mo kailangang sagutin ang tanong ko kun---” Mabilis ko s’yang pintuol. “I was cursed.” pikit mata akong umamin. Hinintay ko ang sasabihin n’ya, ngunit ilang minuto na ang lumipas ngunit wala pa rin s’yang sinasabi. “Leviticus?” tawag ko sa pangalan n’ya ng hindi s’ya magsalita. “Huh?-- ah! Sorry, sorry. I-I... I was...” Nautal-utal pa s’ya ng sumagot sa akin. “Ayos ka lang?” Kunot ang noo kong tanong sa kan’ya. “Yeah, nabigla lang ako.” Aniya na tila hindi pa makapaniwala. Nanahimik ulit kaming dalawa. Tila nagpapakiramdaman kung sino nga bang mauuna sa amin magsalita. Maya-maya pa ay hindi na nakatiis si Leviticus at s’ya na ang naunang magtanong sa akin. “Y-you were cursed?” tanong n’ya ulit sa akin. Marahan akong tumango sa kan’ya. “Anong klaseng sumpa?” “M-my face,” panimula ko. “This mask I am wearing was meant to protect other’s life.” “Huh?” “W-walang sinuman ang dapat na makakita sa mukha ko. Ang sinumang makakakita sa mukha ko ay... mamamatay.” Paliwanag ko sa kan’ya. “I think you possessed a very unique beauty, that’s why the witch put a cursed on you, huh?” Tanong n’ya na may halong biro. “T-that’s actually the reason.” Nahihiya kong sambit sa kan’ya. “Totoo?” gulat n’yang tanong sa akin. “Now, I’m curious. Gusto ko na tuloy makita yong mukha mo.” Aniya na nagpailing sa akin. “No, you can’t.” Mabilis kong sabi sa kan’ya. “I know.” Sagot n’ya sa akin. Muli kaming nanahimik na dalawa. Parehas kaming pinapankinggan ang kagubatan sa kalagitnaan ng gabi. Gusto ko sanang magtanong pa sa kan’ya ang nakaraan, ngunit mas pinili kong makuntento na muna sa mga nalaman ko ngayon. Gustuhin ko mang matulog ay hindi ko magawa, kakagising ko lang kanina kaya buhay na buhay ang diwa ko ngayon. Nagpaalam ako kay Leviticus na magpapahangin lang sa labas. Hindi naman ako nahirapang makalabas sa kwebang pinagtataguan namin dahil kaonti lamang ang lalakarin at makakalabas na kaagad. Tumama kaagad sa katawan ko ang malamig na ihip ng hangin. Marahan kong niyakap ang katawan ko at sinimulang maglakad. Sinisiguradong hindi ako mapapalayo sa kwebang kinaroroonan ko kanina. Kagaya nang mga nagdaang gabi, puro lamang huni ng iba’t ibang mga hayop ang naririnig ko. Hindi na ako natatakot sa mga iyon dahil nasanay na ako sa kagubatang tinirhan ko bago ako maglakbay. Napatingala ako sa kalangitan nang muling umihip ang hangin. Pinagpasyahan kong umakyat sa punong pinaka-malapit sa akin. Nang makahanap ng mapag-pu-pwestuhan ay pinili kong doon tumigil at tumingin muli sa langit. Nakadungaw kaya sa akin ang buwan ngayon? Tanong ko sa sarili ko. Mapait akong ngumiti, umiling at umupo sa sanga ng punong inakyat ko. Ang daming nangyare sa araw na ito, at ngayon ko lang rin talaga nalaman kung gaano kapanganib ang paglalakbay kong ito. Akala ko ay handa na akong harapin ang mga panganib na dala ng paglalakbay ko, ngunit nang maramdaman ko kanina ang presensya ng limang mangkukulam na iyon ay napaisip ako kung tama paba itong ginagawa ko. Iniisip ko kung tama pa bang tumuloy ako. Iniisip ko kung tama pa bang maniwala ako na mayroon ngang lunas sa sumpa kong ito. Iniisip ko kung totoo nga ang diyosang sinasabi nila. Iniisip ko kung mayroon ba akong patutununguhan sa ginagawa kong ito. Malalim akong napabuntong hininga. Masyadong komplikado para sa akin ang mga iniisip ko. Tuloy ay hindi ako makapag-desisyon kung tutuloy pa ba ako o hindi. Sinasabi ng utak ko na, tumigil na ako at bumalik sa tahanan ko. Habang sinasabi naman ng puso ko ay tumuloy ako at harapin ang mga panganib na kaakibat ng paglalakbay kong ito. At kahit hindi ko aminin sa sarili ko, alam kong mas nananaig ngayon ang kagustuhan kong magpatuloy. Wala naman sigurong masama kung paiiralin ko ang puso ko ngayon hindi ba? “What are you thinking?” Napahawak kaagad ako sa dibdib ko at gulat na binalingan ang presensya ni Cassius. Muntikan pa akong mahulog sa inuupuan ko kanina, mabuti na lamang ay nakakapit kaagad ako sa puno. “K-kanina ka pa ba jan?” kunot ang noong tanong ko sa kan’ya. “Yeah,” maikling sagot n’ya sa akin. Mas lalong nagsalubong ang kilay ko. Hmp! Hindi man lang nag-sorry. Wala talaga s’yang kwenta kausapin. Hindi na ako nagsalita pa at pinilit na lamang ignorahin ang presensya n’ya. Muli akong tumingin sa kalangitan at doon ibinuhos ang lahat ng inis ko sa kan’ya. Nasa kalagitnaan ako nang pagsasalita gamit ang isip ko ng bigla na lamang s’yang nagsalita. “So, you were cursed huh?” Mabilis na nalipat sa kanya ang atensyon ko. So nakikinig din pala s’ya kanina, ngunit bakit hindi ko naramdaman ang presensya n’ya? “I’m curious too...,” Muli nanaman n’yang sinabi. Kunot noo ko s’yang binigyan ng buo kong pansin. “Ano---” “I want to see your face.” ***
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD