Naalimpungatan ako ng makarinig ako ng mga kaluskos sa paligid ko. Dahan-dahan kong iminulat ang mga mata ko at hindi na bago sa akin na puro dilim lamang ang nakita ko. Dahan-dahan akong bumangon sa pagkakahiga at halos mapaigik na lamang ako ng sumalakay kaagad sa akin ang sakit ng buong katawan ko.
Mariin kong sinabunutan ang sarili ko at pinilit na alala-hanin ang huling nangyare bago ako mawalan ng malay. Ang huli kong naalala ay nakikipaglaban ako sa isa pang bampira dahil sa iisang usa. Naalala ko ring ilang beses na tumama ang katawan ko sa puno at bato kanina kaya sobrang sakit ng buo kong katawan.
Dahil sa wala akong naging pahinga kagabe at pagod dahil na rin sa nangyare ay unti-unting bumigay ang katawan ko, ang huli ko na lamang na natatandaan noon ay ang papalapit na presens’ya sa akin ng pangahas na bampira. Nanlaki ang mga mata ko at mabilis na kinapa ang masakarang suot ko. Nakahinga ako ng maluwag ng maayos na itong nakasuot sa akin at nakatali an rin ito ng maayos.
Unti-unti akong kumalma at pinakinggan ang kapaligiran ko. Kumunot kaagad ang noo ko ng marinig ang mga kaluskos na alam kong malapit lamang sa akin. Sinubukan kong tumayo sinundan ang mga kaluskos na naririnig ko. Nanlaki na lamang ang mga mata ko ng sa pagsunod ko mga kaluskos na narinig ko ay unti-unti kio ring nararamdaman ang presensya ng dalawang nilalang na hindi ko aakalaing malapit lamang sa akin.
Naagaw ko kaagad ang atensyon ng lobong nakalaban ko noong isang araw at ng pangahas na bampirang nakalaban ko kanina.
Anung ginagawa nila rito?
Iyon kaagad ang unang katanungang pumasok sa isipan ko ng maramdaman ko ang kanilang mga titig sa akin. Ngunit kaagad din iyong nawala at hinanda ko ang sarili ko sa mga posibleng atakeng gagawin nila, ngunit ganoon na lamang ang pagtataka ko ng imbes na sumugod ay nanatili sila sa kanilang mga pwesto.
Waring mayroong pinagtataguan at parehong binabantayan ang kalaban na tila mahahanap sila nito. Dahil sa kaguluhan ay mas pinatalas ko pa ang pandinig at pang-amoy ko. At doon ko lamang napansin ang hindi kumulang sa limang pamilyar na mga presensyang alam kong nasa himpapawid.
Unti-unting binalot ng takot ang buo kong pagkatao at ramdam ko ang panginginig ng katawan ko. Hindi ako maaaring magkamali, galing ang mga presensyang iyon sa mga mangkukulam. Dahan-dahan akong napahakbang paatras habang pilit na iwinawaksi ang mga naging karanasan ko nang dahil sa sumpang iginawad nila sa akin.
Sa loob nang isa at kalahating taon ng pamumuhay ko mag-isa ay ipinangako ko sa sarili kong hinding-hindi na muli ako iiyak, ngunit sa pagkakataong ito ay hindi ko na napigilan pang maluha habang unti-unting bumabalik sa akin ang masalimoot kong nakaraan.
Napasalampak na lamang ako sa lupa at tinakpan ang bibig ko. Hindi ko gugustuhing makagawa pa ng ingay dahil sa takot na baka matunton nila kami, hindi ko gugustuhing idamay pa sa kamiserablehan ko ang dalawang nilalang na ngayo’y kasama ko. Mahigpit ang naging pagyakap ko sa katwan ko habang pinapakiramdaman ang mga presensya ng mga mangkukulam na papalayo na sa kinaroroonan namin.
Saka lamang ako nakahinga ng maluwag maluwag ng hindi na namin maramdaman ang mga prinsensya nila. Mabilis kong pinunasan ang mga luhang tumulo sa mukha ko, ginamit ko ang pagkakataon na tanggalin ang maskara ko at tuyuin ang mukha ko habang hindi sila nakatingin sa akin. Saka lamang sila bumaling ng tingin sa akin nang masigurong hindi na nga babalik pa ang mga mangkukulam. Walang umiimik sa aming tatlo at tila nagpapakiramdaman kami sa kung sino ang mauunang magsalita.
Sa huli ay ang pangahas na bampira na ang unang gumawa ng hakbang. Gamit ang dalawang kahoy hindi ko alam kung saan n’ya kinuha ay nakagawa s’ya ng apoy na magsisilbi naming ilaw. Hindi ko alam ang gagawin ko, masyadong naging mabilis ang mga pangyayare at hindi ko alam kung paano at bakit ko kasama ang dalawang ito ngayon.
Nanuyo ang lalamunan ko at sa isang iglap lang ay lumabas ang mga pangil ko ng makaamoy ako ng dugo. Tila napansin iyon ng pangahas na bampira at naramdaman ko na lamang ang paglapit ng presensya nito sa akin. Naging alerto kaagad ang buo kong katawan ng lumapit s’ya, ngunit ganoon na lamang ang gulat ko ng huminto s’ya sa harapan ko at mayroong iniumang sa akin. Base palang sa amoy ay alam kong dugo iyon. Nag-aalangan man ay mabilis ko itong kinuha sa kamay n’ya at nilagok ang dugong laman nito.
Nagpapasalamat na kahit papaano ay napatid nito ang uhaw ko. Inilapag ko sa lupa ang basong ininuman ko, at gamit ang pandinig ko ay sinubukan kong alamin kung nasaan kami. Kung hindi ako nagkakamali ay nasa isa kaming kuweba base na rin sa tahimik at medyo kalamigan na temperatura. Muli kaming nilukob ng katahimika. Pinili ko na lamang na manahimik muna, hindi ko rin naman alam ang sasabihin ko.
“You!” Dinig kong sambit ng pangahas na bampira ilang minute ang nakalilipas ng wala talagang nagsalita sa amin.
Naguluhan ako sa itinuran n’ya, hindi ko alam kung ako ba ang kinakausap n’ya o ang lobong kasama namin ngayon?
“You, the girl with a weird mask.” Aniya uli. Kumunot ang noo ko at binalingan ko s’ya ng tingin.
“A-ano?” Lito kong tanong sa kan’ya.
“You should thank me, you know.” Aniya sa baritonong boses. Mas lalo akong nalito at mas pinangunutan pa s’ya ng noo.
“S-saan?”
“For not killing you earlier,” Aniya na ikinaawang ng bibig ko. Gulat na balak n’ya nga talaga akong patayin kanina.
“H-ha?” Gulat pa ring ani ko, hindi pa rin nakakaahon sa pagkabigla.
“Pasalamat ka at babae ka, I almost kill you earlier,” Aniya ulit. “ It's a good thing Leviticus here was fast enough to save you.” Pagpapatuloy n’ya.
Mabilis nabaling ang pansin ko sa unti-unting pagpapalit ng anyo ng lobong kasama namin. Kahit na hindi ko naman makita ang buong katawan n’ya ay mas pinili ko pa ring iiwas ang paningin ko. Alam kong wala s’yang saplot ngayon.
“S-salamat.” Nahihiya kong sambit sa lobong ngayon ay sigurado akong maayos na ang itsura.
“You’re welcome.” Iyon lang ang tugon n’ya sa akin at narinig ko ang ingay ng pag-upo n’ya. Muli kaming nilukob ng katahimikan, ngunit saglit lamang iyon dahil muli nanamang nagsalita si Leviticus.
“Mahal na prinsi--- Cassius, anong ginagawa mo sa kagubatang ito?” Dinig kong tanong ni Leviticus sa pangahas na bampirang nagngangalang Cassius.
Kumunot ang noo ko ng makaramdam ako nang kakaiba, hindi ko alam kung bakit bigla na lamang bumilis ang t***k ng puso ko nang marinig ko ang pangalan n’ya.
“Just looking for someone.” Walang galang na sagot nito.
Mas lalong kumunot ang noo ko sa naging asal n’ya. Walang modo ang bampirang ito. Hindi ba nito alam ang salitang respeto? Hindi ko alam kung naturuan ba ito ng maayos o hindi.
“How about you? Anung ginagawa mo dito?” Balik tanong nito kay Leviticus. “Isn't it dangerous for you to wander around here?”
Takang napamaang ako sa sinabi ni Cassius. Anung ibig n’yang sabihing mapanganib? Dahil ba iyon sa mga mababangis na hayop na naktira ditto?
“It is, pero kailangan kong gawin ‘to.” Sagot n’ya.
“I heard half of the werewolf clan has been executed.” Muli nanamang tanong ni Cassius.
“Totoo yon, that’s why I’m doing this journey. Kailangan kong mapatunayan na walang kasalanan ang angkan namin.” Seryoso ang boses na sabi ni Leviticus.
Mas lalo akong naguluhan sa pinag-uusapan nila. Anung meron at bakit kalahati sa angkan ng mga lobo ang napatay? Bakit mapanganib para kay Leviticus ang paglalakbay na ito? Bakit sila pinapatay? Sinong pumapatay sa kanila? Nakikinig lamang ako sa kanilang maikling pag-uusap, ngunit marami na agad ang nabuong katanungan sa isipan ko.
“Kasalanan?” litong tanong ko na batid kong nakapukaw sa kanilang pansin.
“A-anong kasalanan?” Tanong ko uli sa kanila nang maramdaman ko ang kanilang mga titig sa akin.
“Sa nangyare noon, ilang libong taon na ang nakararaan.” Sagot sa akin ni Leviticus. Ngunit imbes na maliwanagan ay mas lalo lamang akong naguluhan.
Anu ba ang nangyare noon?
“Hindi mo alam?” gulat na tanong sa akin ni Leviticus nang makita ang pagkunot ng noo ko sa sinabi n’ya.
“Ang alin?” Lito ko pa ring tanong ko sa kanya.
“Seriously?” Dinig ko ring tanong ni Cassius.
“Anu bang nangyare noon?” Hindi ko mapigilang maitanong sa kanila.
“How come you didn’t know our history?” Hindi makapaniwalang tanong sa akin ni Cassius.
Natahimik ako. Nakakahiya mang aminin ngunit hindi ako nakapag-aral. Hindi ako kailan man pinayagang makapasok ng mga magulang ko sa unibersidad. Kaya wala akong kaalam-alam sa mga nakaraan. Napayuko ako sa kahihiyan. Nakakahiya, isa ako sa angkan ng mga bampira ngunit wala akong kaalam-alam sa nakaraan ng aming angkan. Narinig ko ang pag-ubo ni Leviticus. Marahan kong naiangat ang ulo ko nang magsimula s’yang magkwento.
“Ilang libong taon na ang nakararaan, ang angkan ng mga bampira at mangkukulam ay parehong maraming nalalaman patungkol sa mga bagay na nananatiling nakatago sa loob ng ilang libong taon.” Panimula ni Leviticus. Dahil sa kuryosidad at sa kagustuhang malaman ang nangyare sa nakaraan ay mas lalo kong itinuon ang pansin ko sa kan’ya.
“Dahil sa kaalamang iyon ay marami ang nangahas na kumalaban sa dalawang angkan upang isiwalat ang kanilang mga nalalaman. Isa na doon ay kung papaano maibabalik ang buhay ng isang nilalang na namatay na. Ngunit dahil sa talino at lakas ng dalawang angkan ay walang sino man ang nagtagumpay sa kanila.” Pagpapatuloy n’ya. Gulat na marinig at malamang mayroon palang paraan upang maibalik ang buhay ng isang nilalang na namayapa na.
Bahagyang nakapukaw ng pansin ko ang biglaang pagtayo ni Cassius at naramdaman ko na lamang ang presensya n’yang nasa tabi ko. Bahagya akong kinabahan, ngunit mas pinili ko na lamang ignorahin ang presensya n’ya sa tabi ko at itinuon uli ang pansin kay Leviticus.
“Dahil sa pagsasanib pwersa ng dalawang angkan an ito ay mas lalo lamang dumami ang mga kaharian na gusto silang pabagsakin. Sa loob nang ilang libong taon, walang sino man ang nakapag-buwag ng tiwala at pinagsamahan nangg dalawang angkan, hanggang sa isang gabi, bigla na lamang kumalat ang isang balita na ipinautos ng angkan ng mga bampira na paslangin ang limang pinaka-malalakas na mangkukulam.”
Napaawang ang bibig ko sa narinig. Ipinautos na paslangin ang limang pinaka-malalakas na mangkukulam? Ngunit bakit? Hindi ba ay nagsanib pwersa ang mga ito? Iyon kaagad ang katanungan na pumasok sa isipan ko. Hindi ako makapaniwala sa narinig ko.
“Ngunit bakit?” Iyon ang katanungang naisambit ko kay Leviticus.
“Walang nakakaalam kung ano ang naging dahilan kung bakit ipinautos iyon. Marami ang nagsasabing matagal na daw itong plano ng mga bampira at naghihintay lamang sila ng tamang pagkakataon para maisagawa ang plano. Ang sabi naman ng iba ay ginamit lang dawn g mga bampira ang kaalaman ng mga mangkukulam at kaya nila ginawa ang pagpaslang ay dahil nakita nilang masyadong makapangyarihan ang mga mangkukulam na ito.” Sagot n’ya sa tanong ko.
“Ngunit marami man ang haka-haka nila, wala pa ring nakakaalam ng katotohanan at ang dahilan ng mga bampira sa pagpaslang sa mga mangkukulam.” Pagtatapos n’ya sa kwento n’ya.
Napatango-tango ako at hindi rin mapigilang mag-isip kung ano nga ba talaga ang dahilan kung bakit nila pinaslang ang mga mangkukulam noon. Nanlaki ang mga mata ko nang mayroong mapagtanto. Napaawang ang bibig ko at hindi ko mapigilang maitanong ang katanungang pumasok sa isipan ko.
“Ngunit bakit pati ang angkan n’yo ay tinutugis rin ng mga mangkukulam?” Tanong ko sa kan’ya.
Kung hindi ako nagkakamali, sinabi kanina ni Cassius na kalahati sa angkan ng mga lobo ang tinugis at napatay na. Ngunit bakit? Anong dahilan? Nabalik lamang ako sa huwisyo ko nang marinig ko ang malalim na pagbuntong hininga ni Leviticus. Narinig ko ang mahina n’yang pagtawa, ngunit bakas na bakas sa pagtawa n’ya ang pait.
“Some of us were present during that time the vampire clan executed their plan.”