Ang salitang iyon ang paulit-ulit na umuukit sa isip ko habang nakaluhod ako sa malamig na sahig ng aming bahay.
Pakiramdam ko, kasabay ng pagkawala nina Mama, Papa, at Ruby… ay ang pagkawala rin ng dahilan ko para mabuhay.
Tahimik akong umiiyak.
Wala na akong lakas para sumigaw.
Wala na akong lakas para magtanong.
Dahan-dahang hinaplos ni Doña Teresa ang likod ko.
“Hindi ka nag-iisa,” mahina niyang sabi.
Napatawa ako. isang mapait at halos baliw na tawa.
“Hindi nag-iisa? ” paulit-ulit kong bulong.
Tumingala ako sa kanya.
Namumugto ang mga mata ko.
“Wala na silang lahat,” nanginginig kong sabi. “Ano pa ang natira sa akin? ”
Hindi siya agad sumagot.
Sa halip, tumingin siya sa paligid ng bahay sa bawat sulok na puno ng alaala.
Pagkatapos ay muli niya akong tiningnan.
“At ang natira sa’yo… ay ang katotohanan,” sabi niya.
Napakunot ang noo ko.
“Anong ibig ninyong sabihin? ”
Lumapit siya nang kaunti.
“Hindi nagkataon ang lahat ng nangyari."
Parang biglang tumigil ang mundo.
“Ano?”
“May dahilan kung bakit namatay ang kapatid mo.”
“May dahilan kung bakit nawala ang mga magulang mo."
“May mga taong may kasalanan sa lahat ng ito.”
Unti-unting nag-init ang dugo ko.
Ang sakit sa dibdib ko… napalitan ng galit.
“Sino? ” mahina ngunit mariin kong tanong.
“Sabihin ninyo sa akin kung sino! ”
Huminga nang malalim si Doña Teresa.
“Kung sasabihin ko sa’yo… handa ka bang harapin ang katotohanan? ”
Hindi ako nagdalawang-isip.
“Oo.”
Tumayo ako, kahit nanginginig pa ang katawan ko.
“Wala na akong dapat pang ikatakot.”
Matagal niya akong tinitigan.
Parang sinusukat kung hanggang saan ang kaya kong gawin.
“Hindi lang ito simpleng paghihiganti, Rebecca,” sabi niya.
“Ito ay laban na maaaring sumira sa’yo… kung hindi ka magiging matatag.”
“Mas sira na ako ngayon,” putol ko.
“Wala nang mawawala sa akin.”
Sandaling nanahimik si Doña Teresa.
Pagkatapos ay dahan-dahan siyang tumango.
“Kung ganoon… makinig ka.”
Lumapit siya sa mesa at inilapag ang maliit niyang bag.
Mula rito, kumuha siya ng isang makapal na sobre.
Lumapit siya sa akin at iniabot iyon.
“Buksan mo.”
Dahan-dahan kong kinuha ang sobre.
Parang bumibigat ang hangin sa paligid habang binubuksan ko ito.
Sa loob ay may mga larawan.
Mga dokumento.
At mga pangalan.
Isa-isa kong tiningnan.
At sa bawat pahina…
Mas lalo akong nanlamig.
“Sino sila? ” Tanong ko.
Nandoon ang mukha ng mga taong hindi ko kilala ngunit alam ko nagmula sila sa makapangyarihang pamilya.
Mga taong kayang mandurog sa isang kagaya ko.
Mga taong akala mo ay mabuti at walang ginagawang kasalanan.
“Silang lahat…” nanginginig kong sabi.
“May kinalaman? ”
Tumango si Doña Teresa.
“Hindi lang kinalaman, Rebecca.”
“Sila ang dahilan.”
Napahigpit ang hawak ko sa mga papel.
“Ang mga lalaking kumuha ng p@gk@b@b@e mo at lumapastangan sa katawan ng kapatid mo at muntikan pumatay sayo," patuloy niya.
“Hindi iyon simpleng kidnapped.”
“Sila ay inuupahan para mag sagawa ng operation.”
“Utos iyon sa kanila para sa isang malaking negosyo.”
Parang may kumurot sa puso ko.
“Sino ang nag-utos? ” halos pabulong kong tanong.
Lumapit siya at dahan-dahang binanggit ang isang pangalan.
Isang pangalan na paulit-ulit na nagpabalik-balik sa aking pandinig at sa aking isipan.
Nanlaki ang mga mata ko.
“Hindi… hindi puwede… Hindi puwede sila maging masaya habang ako ay nagdurusa."
"Lahat sila ay pag babayarin ko sa mga kasalanan nila sa akin."
Tumango si Doña Teresa.
At sabay Ngiti, isang malamig na ngiti.
"Human trafficking at ang mag benta ng organs ang negosyo nila."
Biglang nag-flash sa isip ko ang mga alaala.
At ang mga taong sumira ng lahat.
Ang mga tao pumatay sa kapatid ko.
"Biniktima nila kayo dahil alam nila na mahina kayo at hindi makakalaban," sabi ni Doña Teresa.
“At matapos nila, makuha ang lahat, tinanggal nila kayo sa daan.”
Napakuyom ang mga kamay ko.
Pakiramdam ko, sasabog ang dibdib ko sa galit.
“Hindi ko sila patatawarin,” mariin kong sabi.
“Hindi ko sila palalagpasin.”
Tumango si Doña Teresa, tila nasisiyahan sa nakikita niya.
“Iyan ang gusto kong marinig.”
Lumapit siya sa akin.
“Pero hindi sapat ang galit.”
“Kailangan mo ng plano.”
“Kailangan mo ng lakas.”
“Kailangan mo ng kakampi.”
Saglit akong natahimik.
"Pano? ” tanong ko.
“Tutulungan kita. ”
“Pero tandaan mo…kapag pinili mong tahakin ang landas na ito…wala nang balikan.”
Huminga ako nang malalim.
Tumingin ako sa paligid.
Sa bahay na minsang puno ng saya.
Ngunit ngayon… isa na lamang itong alaala.
Wala na akong babalikan.
Wala na akong uuwian.
“Handa na ako,” sabi ko.
Ngumiti si Doña Teresa.
“Kung ganoon… magsisimula tayo ngayon.”
Makalipas ang ilang oras, nasa loob na kami ng isang malaking bahay.
Malayo ito sa baryo.
Tahimik.
At tila puno ng sikreto.
“Dito ka muna titira,” sabi ni Doña Teresa.
Napatingin ako sa paligid.
Malinis.
Maayos.
Pero malamig.
Parang walang buhay.
“Simula ngayon,” patuloy niya, “magbabago ang lahat.”
“Hindi ka na ang dating Rebecca.”
“Tuturuan kitang maging mas matatag.”
“Maging mas matalino.”
“At higit sa lahat… maging mapanganib.”
Napatingin ako sa kanya.
Wala na akong naramdamang takot.
Ang natitira na lang… ay determinasyon.
“Ano ang unang gagawin natin? ” tanong ko.
Lumapit siya sa isang mesa at kumuha ng isa pang folder.
“Kilalanin natin ang mga kaaway mo.”
Binuksan niya ito.
At doon ko nakita ang mga pangalan.
Isa-isa.
Mga taong sisirain ko.
“Unahin natin ang pinakamahina sa kanila,” sabi niya.
“Ang madaling pasukin.”
“Sino? ” tanong ko.
Tinuro niya ang isang larawan.
Isang lalaking napakagwapo.
“Atakehin natin ang tiwala niya,” sabi ni Doña Teresa.
“Doon siya babagsak.”
Tinitigan ko ang larawan.
“Siya ang magsisilbing simula,” bulong ko.
Ngumiti si Doña Teresa.
“Eksakto.”
“Unti-unti nating gigibain ang mundo nila… tulad ng ginawa nila sa’yo.”
Huminga ako nang malalim.
At sa pagkakataong iyon…
Hindi na ako ang dating Rebecca.
Ang babaeng umiiyak sa sahig.
Ang babaeng nawalan ng lahat.
Dahil ngayon…
Ako na ang bagyo.
At sisiguraduhin kong walang matitirang nakatayo.