chapter 4

994 Words
Kinabukasan, mas maaga akong nagising kaysa sa inaasahan ko. Tahimik ang silid ng ospital. Naririnig ko lang ang mahinang tunog ng makina sa tabi ng kama ko at ang mahinang ingay ng mga taong naglalakad sa hallway. Saglit akong nakatitig sa kisame. At doon… unti-unting bumalik sa isip ko ang lahat. Ang bangin. Ang putok ng baril. Ang duguang mukha ni Ruby. Napapikit ako habang mabilis na tumibok ang puso ko. “Hindi…” mahina kong bulong. Pinilit kong huminga nang malalim. Hindi ako puwedeng manatili dito. Kailangan kong umuwi. Kailangan kong makita sina Mama at Papa. Kailangan kong siguraduhin na ligtas sila. Makalipas ang ilang minuto, bumukas ang pinto ng silid. Pumasok si Doñia Teresa. May dala siyang maliit na bag at isang maingat na ngiti. “Gising ka na pala,” sabi niya. Tumango ako. “Uuwi na tayo? ” Saglit siyang tumingin sa akin. Parang sinusuri kung kaya ko na ba talaga. Pagkatapos ay tumango siya. “Oo.” “Pero dahan-dahan lang tayo.” Tinulungan niya akong tumayo. Mahina pa rin ang katawan ko. Parang ang bawat hakbang ay may kasamang sakit. Pero wala akong pakialam. Mas malakas ang kaba sa dibdib ko. Mas malakas ang pagnanais kong makauwi. Makalipas ang ilang sandali, nasa loob na kami ng kotse niya. Tahimik ang biyahe. Habang dumadaan kami sa mga kalsada, nakatingin lang ako sa bintana. Isang buwan. Isang buwan akong nawala. Hindi ko alam kung ano na ang nangyari sa buhay ng mga magulang ko. Hindi ko alam kung ano ang iniisip nila. Baka galit sila. Baka iniisip nilang pinabayaan ko sila. “Rebecca,” marahan na sabi ni Doñia Teresa. Napalingon ako sa kanya. “Handa ka ba? ” Napakunot ang noo ko. “Para saan po? ” Hindi siya agad sumagot. Saglit siyang tumingin sa daan. “Sa kahit anong maaaring makita mo.” Biglang kumabog ang dibdib ko. “Anong ibig ninyong sabihin? ” Pero hindi na siya nagsalita ulit. Lalo akong kinabahan. Habang papalapit kami sa baryo namin, mas bumilis ang t***k ng puso ko. Kilalang-kilala ko ang bawat kanto. Ang maliit na tindahan sa gilid ng kalsada. Ang lumang puno ng mangga sa tabi ng ilog. At sa dulo ng maliit na daan… Nakita ko ang bahay namin. Ang maliit naming kubo. Napahigpit ang kapit ko sa upuan. “Nandito na tayo,” mahina kong sabi. Huminto ang kotse. Hindi na ako naghintay pa. Agad akong bumaba. “Rebecca! ” tawag ni Doñia Teresa. Pero hindi ko na siya pinakinggan. Tumakbo ako papunta sa bahay. “Mama!” Sigaw ko. “Papa!” Binuksan ko ang pinto. Ngunit… Tahimik. Sobrang tahimik. Parang walang nakatira. “Mama?” Mahina kong tawag. Naglakad ako papasok. Nasa parehong lugar pa rin ang mga gamit namin. Ang mesa. Ang lumang radyo ni Papa. Ang kurtina na tinahi ni Mama. Pero may kakaiba. May alikabok. Parang matagal nang walang gumagalaw dito. “Mama…” bulong ko. Biglang may narinig akong boses mula sa labas. “Rebecca?” Napalingon ako. Isang matandang babae ang nakatayo sa pintuan. Si, Aling Nena. Ang kapitbahay namin. Nanlaki ang mga mata niya nang makita ako. “Diyos ko…” Lumapit siya sa akin. “Ikaw ba talaga yan? ” Tumango ako habang umiiyak. “Ako po.” “Nasaan po sina Mama at Papa? ” Biglang nagbago ang ekspresyon niya. Ang pagkagulat sa mukha niya ay napalitan ng lungkot. At dawn… Mas lalo akong kinabahan. “Nasaan po sila? ” ulit kong tanong. Tahimik siya sandali. Pagkatapos ay dahan-dahan niyang hinawakan ang balikat ko. “Rebecca…” Mahina niyang sabi. “Akala namin patay ka na.” Napakurap ako. “Ha?” “Natagpuan nila ang bangkay ni Ruby sa isang bodega, at may nakapag sabi na may nakakita sa inyo na magkasama ng gabing nawala kayo. Kaya Akala namin ay wala ka na rin kagaya ng kapatid mo. Nanlamig ang katawan ko. “Simula noon… araw-araw ka namin hinanap at kami ang nag-alaga sa magulang mo.” Unti-unting bumigat ang dibdib ko. “Araw-araw silang naghintay sa pag-uwi ninyo magkapatid. Dahilan kaya mas lalo lumala ang karamdaman nila. Nang Makita namin sila ay pareho na silang binawian ng Buhay dahil sa labis na pag-aalala sa inyong magkapatid. Ilang araw matapos mamatay ng magulang mo ay nabalitaan namin ang pagkamatay ni Ruby. “Umaasang may balita tungkol sa’yo.” Biglang pumatak ang luha ko. Tahimik ulit siya. At sa katahimikang iyon… Parang may kung anong masamang katotohanan na dahan-dahang lumalapit. “Rebecca…” Mahina niyang sabi. Parang tumigil ang mundo. Hindi ako makahinga. “Hindi…” Mahina kong bulong. “Hindi totoo yan…” Bumagsak ang mga luha ko. “Saan sila? Hindi ako naniniwala sa mga sinasabi ninyo.” Hindi na niya ako tiningnan sa mata. “Wala na sila, Rebecca. At iyan ang totoo.” Parang may sumabog sa loob ng dibdib ko. “Hindi!” Napahawak ako sa mesa. Parang nawalan ng lakas ang mga tuhod ko. “Hindi…” “Hindi puwede…” Nanginginig ang buong katawan ko. “Hindi puwede…” Napasigaw ako habang bumagsak sa sahig. “Mama!” “Papa!” Ang sakit. Sobrang sakit. Parang may kutsilyong paulit-ulit na tumutusok sa puso ko. Patay na si Ruby. At ngayon… Wala na rin sina Mama at Papa. Pakiramdam ko ay parang biglang nawala ang buong mundo ko. Parang wala nang natira. Yumuko ako habang umiiyak nang malakas. Hindi ko na napigilan. Ang lahat ng sakit. Ang lahat ng lungkot. Ang lahat ng galit. “Bakit…?” Sigaw ko. “Bakit nangyayari to sa akin?! ” Narinig kong may lumapit. Yes, Doñia Teresa. Marahan niyang hinawakan ang balikat ko. “Rebecca…” Pero hindi ako tumingin. Hindi ko kayang tanggapin. Hindi ko kayang paniwalaan. Parang gusto kong magising. Parang gusto kong bumalik sa dati. Sa panahong buo pa ang pamilya ko. Sa panahong buhay pa si Ruby. Pero alam kong hindi na iyon mangyayari. Dahil ngayon… Mag-isa na lang ako.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD