Episode 1
Chapter 1
Jam Makulay
Kakagaling ko lang sa school or university. Basta, yung lugar na maraming nerd na nakakabangga ng bully, okaya bratinela na may boyfriend na mature guy, tapos mayroon din yung may mga secret fiancé. Basta, ganoon ata yung definition ng universities ngayon.
Balik tayo sa totoong buhay ko, tunay na buhay, ba. Galing ako sa Makarena University para magturo, hindi dahil estudyante pa ako. 25 years old, single, ready to mingle, pero wala pa ring nagkakamali.
May mga iilang indecent proosals ng mga call boy, okaya yung mga nasa horny stage ng buhay nila, tripper ata yung term. Yung mga taong nakakaraos sa damuhan, gilid ng eskenita.
Pero hindi ako ganoon e. My standard kasi ako. I believe in true love, not one time blow job.
"Stress, madam?" tanong ni Wanda sa akin, na sa umaga, pangalan niyan Juan Roberto Matatag. Maskulado, pero huwag ka, hanap niyan ay gwapo, na payat, na maputi, na singket. Taas ng standard, pang w*****d at Precious! Baka lost heir ka, girl?
"Oo, noong nakita kita." Sabay kuha ko ng cake sa mesa at tiningnan ang sarili ko sa isang bilog na salamin.
Oo nga naman, paano ako magkaka-jowa? Napaka-plain ko. Bakla pa.
"Grabe ka naman madam. Heto na yung inventory at financial report natin, madam. Huwag na mainit ang ulo. Ganyan na talaga ang mga estudyante ngayon."
May-ari kasi ako ng multiple chain ng bakery.
Isa pang nakakasira ng araw ko. Iyang mga bagong estudyante ngayon. Hindi naman surprise yung quiz ko kanina, ang dami pa ring itlog ang iskor?! Wala akong balak magtayo ng poultry ano! Prof ako!
"Hindi naman kasi surprise yung ginawa kong surprise quiz, ang dami pa ring bagsak. Paano kapag ginawa ko pang biglaan iyon. Eh 'di na-shock sila!" sabi ko kay Wanda.
"Eh, grabe naman kasi ang standard mo, madam. Baka hindi pang quiz yung binigay mo, pang-bar exam." Guilty ako roon a. Pero kahit na! Noong college ako, mahilig akong mag-advance reading.
"Dapat kasi, inuuna nila ang pag-aaral. Eh hinde, puro bulaklak sila kanina, yung isa, may hawak pang man size na teddy bear. Tapos kapag quiz ko, nganga? Aba, walang liligaya!" bitter na ani ko.
"Nakaka-depress ka naman maging prof. Hindi naman kasi lahat, kasing talino mo madam!" sabi ni Wanda. Guilty, strike two.
Oo na, gifted ako sa talino, iyon lang siguro ang maipagmamalaki ko. Hindi ko rin iyon ikakahiya. Edad na 25, pero apat na ang hold kong degree.
Chemical Engineering, Civil Engineering, Hotel and Restaurant Management at Education na rin.
Lahat may lisensya sa tatlo. Love life ko lang ang kulelat sa buhay ko. Nakakapagsisi pa nga. Masyado siguro akong nag-focus sa study. Sinukuan na nga ata ako ni cupid e. Araw ng mga puso ngayon, pero puso ko? Pusong bato na.
"Uwi na ako, Wanda. Ikaw na ang bahala sa closing. Sa bahay ko na lang babasahin itong report mo. Check ko rin ang grammar."
"Grabe siya."
TRUE to my words, umuwi na ako- at nag-check ako ng grammar. Ganito ako kapag depress. Dinadaan ko na lang sa pagbabasa ng Encyclopedia, panonood ng p**n- I am not a saint, just a hopeless romantic, ayan, may disclaimer na. At saka ginagawa ko yung lesson plan ko.
I was scrolling on my Faceboox, noong nakita ko na isa sa mga estudyante ko sa kursong Engineering, ay isinali ako sa isang group chat. Pangalan nga ng group chat.
Salooobin kay Benjamin Makulay ang sinabawang Gulay.
Tapos nag-scroll ako. Na pinagsisihan ko. I mean, nasaktan ako sa mga convo nila. When I am just trying to teach them, they will repay me with this kind of backstabbing... Ridiculous, the audacity!
Jinky: Grabe talaga yung baklang iyon. Napaka-bitter kaya siguro pinapahirapan tayo sa quiz! Bigyan niyo nga ng alay. Baka kulang iyon sa lalaki.
Tonya (bakla): true mars. Baka kulang ng booking.
Romeo: Eh ano pa ba? Epal yang baklang prof na iyan. Nangangamoy singko na naman tayo.
At marami pang nakakapanikip dibdib na convo. Puro tungkol sa akin, sa pagiging demonyo ko sa kanila. Sa pagiging anak ni miss Minchin at apo ni Valentina. Ang pagiging villain sa buhay estudyante nila.
Baklang tigang, baklang salot, baklang dull, baklang kulang sa eut. Ano pa ba? Mga words na hindi ko deserve, just because, I am just doing my job.
Markus added you to the group
Romeo: s**t bakit in-add?
Nag-left lahat sila sa group. Akala naman nila. Hindi ko mababasa talaga?
Umiyak din ako noong gabi na iyon. Akala ko sa love life lang, ngayong valentine ang reason ko para umiyak. Hindi rin pala. Grabe, ang sakit ha? Humanda sila.
I know how to get revenge, ethically. Morally and ethically right revenge.
Kinabukasan ay kasing kulay ng bahay ko ang damit ko. Ang ibig sabihin kapag makulay ang damit ko. Huminga na ng malalim ang mga estudyante ko. Araw ito ng Febuary 15, pero undas sa kanila.
Ihanda na nila ang Gin bilog na may tang grapes o orange, at saka ang pulutan nilang piniritong manok. Dahil may mag-iinumang luhaan.
Gamit ang motor ko ay nakarating ako sa Makarena University. Nasindak agad si manong guard. Kita niya kasi ang rainbow na damit ko. Ibig sabihin non. May unos sa classroom ko mamaya.
''Kaawaan nawa sila," dinig ko pa na sabi ni manong guard kanina. Sanaol naawa, hindi ba?
My dignity was crushed by some random students, na ang ginawa lang sa buhay ay ang magpuyat kaka-bar. Pero walang puyat para mag-aral ng mabuti. Ano yung grades nila? Investment, pinapalago kahit nakaupo?
Bell rang at oras na ng paniningil ko. Alam lahat ng estudyante ko kung gaano ako kahigpit sa attendance. Get an absent without a proper reason. Better drop, or dead.
Walang lugar ang tamad sa apat na sulok ng klase ko. Kapag innanok ka, huwag ka ng magpapakita sa akin. Baka ihele pa kita habang nasa rooftop tayo, nakasabit sa pinaka-edge.
"Good morning class," sabi ko. Todo ngiti pero may matang naninindak.
"Good morning professor," mahinang said nila. They are all 20 on my class. 12 na lalaki anim na babae tapos may isang bakla at isang tommy.
Tinaasan ko sila ng kilay. "Bakit naman ang hina ng boses ninyo? Hindi ba kayo kumain ng almusal?" tanong ko.
I sigh at saka umupo sa aking respective chair.
"I want to ask, why did you do that? Pero siguro, hindi ko na need ng sagot na iyon. I never studied harder on my life, take my masteral and doctorate degree, just to be insulted by a dream-less bunches of hormonal teenager, with sharp tongues."
"Sir, sorry po," sabi ng isa.
"Kung lahat ng bagay, nadadaan lang sa sorry. Willing ka bang magpatawad kapag nagkasala yung jowa sa iyo, kasi sinusulot ng bestfriend mo?" tanong ko sa babae na nag-sorry. Umiling siya.
"Then why backstabbing? I know that sometimes, I am just plain terror of a kind of professor. But never I ever deserve to be called, baklang tigang, baklang salot at baklang uhaw. Guys, wake up, be mature, be a real students."
Hindi naman ako pumasok ng kumbento. Pero heto ako. Nenenermon ng mga batang, akala nila, alam na nila ang mundo. At kung paano umikot ito.
"Sorry kung makunat ako ha? Sorry kung dull ako, sorry kung mukha akong anak ni Satanas kay Annabelle. Pero heto ang masasabi ko. Gagawa kayo ng thesis, about sa pagiging terror ko. Individually. Minimum of 50 rrl and studies. Walang mapasa, expect singco with me. You can't drop! Dahil tapos na ang midterm. Try to transfer, malalaman ko rin iyon, at alam niyo ba kung gaano karami ang mga kaibigan kong professor sa ibang University? I can actually destroy your filthy reputations. Kaya goodluck third years. Good luck," sabi ko. Iniwan ko sila na umiiyak lahat.
Babylonian said, a tooth for a tooth.
Buti nga maaga akong nag-dismiss sa kanila e. Iyon nga lang. Matrabaho yung gagawin nila.
Saan ako dinala ng paa ko? Pumunta ako sa isang park. Doon ay kumain ako ng dirty ice-cream na mas dirty pa sa sugar daddy. Tapos cotton candy na rin, scramble, at saka pancake. Kain lang ako nang kain. Hindi naman kasi ako bumibilog. Mas malakas pa yung metabolism ko, kaysa sa karisma ko.
Baka ninakaw ni Sisa ang karisma ko? Okaya naman, ipinanganak talaga akong walang s*x appeal. Baka nga langaw lang at lamok ang attracted sa akin e.
Hindi ko maiwasan na hindi isiping. Baka tama naman ang mga sinabi ng mga estudyante ko. Baka nga kulang ako. Baka nga mali ako. Baka nga wala lang ako.
Sa mga ganitong panahon, na tila dina-down ko ng kusa ang sarili ko? Tinatakbuhan ko si ate Betina. Na siyang tao na naniniwala sa inner beauty ko. Na hindi makita ng simpleng mata ng tao. Kaso wala si ate, nasa Japan.
Kaya nga need kong maging strong. Kasi wala na akong malalapitan. Makakapitan ko na lang siguro, yung patalim. Mga ganun. Pero tao? Kaibigan? Wala siguro... Lonely ako. One lonely faggot with hopeless heart and a hopeless case.
Umalis din ako sa park noong mapuno ito ng couple. Baka bigla akong tumawag ng pest control, okaya naman ay tawagin ko ang PDEA at saka gumawa ng kwentong may mga adik dito sa Park.
Madami namang adik e, adik sa pagmamahal. Tapos kapag nasaktan, ang lakas ngumawa. Tapos nakakabwisit pa yung mga martyr. Takot naman magpapugot ng ulo!
Kung tutuosin, takot ako sa love. Kasi sa kwento sa radyo, libro, mga anime nga. May mga cheating na tema. And that is painful. Cheating is painful. Kaya iyon, takot ako sa love.
Pero mas takot akong mag-isa. Kaya kahit risky, I am still trying to find love.
Umuwi naman akong hopeless. Bigo. Lugmok. Baka nga pinagtatawanan ako ng guardian angel ko e. Kawawa raw ako. Mukha akong tanga, naghihintay ng love life.
Hindi naman daw ako, jowable.
Pero nanalangin ako ngayon kay Lord. Nasa loob ako ng bahay. Kahit hindi ako relihiyoso na tao. Na baka naman. Na baka may dumating sa akin. Na sana may nakalaan sa akin.
Nagdadasal ako noong oras na iyon habang umuulan sa labas. After ko ngang mag-pray, tumigil yung ulan. Tapos may kumatok sa pinto. Wala naman akong inaasahan na bisita e.
Pagbukas ko ng pinto ay bumungad sa akin ang isang gwapo, chinito, maputi, na para bang tipo ni Wanda. Para siyang anghel na na-dismiss sa pagkaka-destino sa langit. Kasi sa akin siya naka-destined.
Nakita ko pa na may rainbow sa likod niya, after kasi ng rain, may rainbow, 'di ba?
At nawalan ng malay si pogi. Buti nasalo ko siya
Sasaluhin niya rin kaya ako?
Echos.