Part 2

1042 Words
Prologue "Welcome back self, welcome Philippines, I miss you," sabi ko sa sarili ko. Nabatukan tuloy ako ni ate. Ang sakit ha?!  "Galing lang tayo ng Cebu, ang arte mo..." Panira ka lang. Ganda ka? Nakakainis. Feelings ko naalog ang utak ko. Three years din akong nawala sa Pinas ha, walang mema. Galing kami sa Japan kung saan stay in na si ate roon. She is already married with her Japanese husband. Mukhang masaya na siya sa buhay, habang ako? When kaya. Iyon na lang. Hindi kasing kulay ng buhay ni ate Betina ang buhay love life ko. Baka kasi sinalo niya lahat ang swerte ng love life sa matres ni inay. Mamahinga nawa ang kaluluwa niya. Tapos ako, walang nakuha. Talino lang siguro na wala kay ate. Buti nga natuto pa siyang mag-Japanese speaking. Nihongo.  "Tara na, isang buwan lang naman tayo sa Pinas nag-iinarte ka na. Kakagaling lang natin ng Cebu, ha? Request mo iyon." Ingay ni ate, akala mo laging may rally. Anak EDSA ka 'te?  Naiwan yung pamangkin ko na obviously anak ni ate sa Japan kasama ang asawa niya. Masyado kasing busy na tao madalas ang mga Hapon. Very dedicated sila. Ganon din naman sa mga Pinoy, dedicated din sila, sa panloloko nga lang, and I am speaking with experience. Pero ayaw ko munang mag-kwento. Give me a peace of mind, muna. Nakarating kami sa bahay ni tiya Sasha. Siya ang may-ari nitong second floor na bahay sa Quezon City. Panandalian naming tutuluyan. Request ng asawa niyang si Tiyo Soto, na may taning na ang buhay. Malapit kasi kaming magkapatid kay Tiyo. Sa kanya na kasi kami lumaki. Aga kasi naming naulila e. "Kaawaan kayo, magpahinga na muna kayo sa mga silid ninyo. Hinanda na ni Utoy. Pahinga na us," sabi ni tita Sha. Ay, may ganon? Nagpahinga naman kami. Hindi naman lahat, dapat ipaglaban. Echos. Huwag niyo na akong masyadong pakinggan. Ganito na lang talaga siguro kapag 29 years old ka na, tapos wala ka pang natitikman na luto ng Diyos. Pagkagising ko, mainit ang ulo ko, wala na palang ulam. Ang siba kasi ni ate! Kaya sa labas na lang ako kakain. Nagpaalam lang ako kay tiya. Tapos dadalaw na rin ako sa ospital. Anong oras pa lang naman. Alas dos. Keri pa para makagala. Tagal ko ring nawala rito, ha? Taxi na lang ako. Naghahanap ng makakainan. May nakita naman ako na malapit lang sa ospital. Kaya roon na lang ako. Pagkaalis ng taxi saktong umulan! Takbo ako sa resto na iyon. Buti hindi ako gaanong nabasa. Tumingala naman ako at sinamaan ng tingin ang langit. Mukhang natakot, humina yung ulan. Ewan ko lang... Hindi naman ako pangit, a? Ata? Basta. Hindi naman talaga. Plain lang, hindi special, hindi downward, hindi ganon, basta... Plain looking guy. Madaling kalimutan. Ganon lang yung hugis ng mukha ko. Nang makapasok na ako sa resto. Mukhang madaming tao. Tapos madami rin namang couple. Gusto ko ngang um-order ng gasolina at saka sila wisikan. Tapos hagisan ko sila ng firecracker. Kaso hindi naman ako brutal na tao, bitter lang. Nauwi yung gore na iniisip ko sa pag-order ko ng pagkain. "Ay, wala hong dinuguan dito," sabi ni ateng nasa counter. Dugo mo na lang. Echos. Um-order na lang ako, na tila normal na tao. "Sige, yung buttered shrimp na lang at saka yung special na rice at yung roasted barbecue chicken, drinks ko, tatlong baso ng lemon ice tea," sabi ko, nagbayad na rin at saka naghanap ng bakanteng upuan. Yung malapit sa bintana. Hindi naman ito Mcdonaldy, pero tuloy pa rin, ang ulan. Ang drama ng paligid. Kulang na lang makita ako ng ex ko. Eh wala naman pala akong ex. May isang espesyal na lalaki lang pala sa buhay ko, ang problema, kahit gaano siya ka-espesyal, sinaktan niya pa rin ako. Ayaw ko na ring makita ang mukha niya. Bawal iyon mars, marupok kasi ako kapag siya, proven and tested pa nga. Kaso, hindi kami magkasundo ni bathalang Athena ngayon. Kilala niyo ba ang nag-serve ng pagkain ko? "Order niyo po, kamusta ka?" Hindi iyan lintanyahan ng normal na waiter, at hindi siya nakasuot ng pang-serbidor na damit. Huwaw. Ang playful ng destiny ano. Ano 'to? Masusuka na ba ako, kasi ang cliché na? "Ayos naman..." tipid na sabi ko. Walang bayad magsalita, pero sayang ang laway. Note mo iyon, vhe. Napangiwi pa ako kasi walang pasintabi siyang umupo sa harapan ko. Anong ginagawa niya? Nababaliw na ba siya? Okay lang ba siya? Akala ata niya, walang siyang kaso sa akin? "Ahh, kakain na ako?" sabi ko kay Ethan. Ganoon pa rin naman ang itsura niya. Hindi nalalayo sa pinabatang version ni Kim Bum. Grabe yung t***k ng puso ko ngayon. Kalahati, kinikilig, yung kalahati, galit na galit. "Kain ka lang," sabi niya, ngiti pa rin, may dimples pa rin sa gilid ng labi niya, ang cute ng biloy nito. Malalim kasi. Pero hindi ako magpapadala sa charm niya ano! Never! "Kakain lang ako kapag umalis ka na sa harapan ko," masungit na sabi ko sa kanya. Pero hindi ata marunong makinig ang lalaki na ito. Same pa rin noon. Hindi siya marunong makinig, talaga. "Do you know that I own this place, hindi ba pamilyar ang design ng lugar?" Para bang tinamaan ako ng kidlat. Oo nga naman. Lahat ng design ng pader, kulay, interior. Ito yung pangarap na resto ko. Ganito talaga. Balak ko pa ngang makipag-partnership sa impakto na ito e. Kaso... May kaso na. "Kung alam ko lang na ikaw ang may-ari nito, sa palagay mo ba tatapak pa ang sapatos ko sa lugar na ito? Please lang, I just want to eat, peacefully." Umiling siya, hindi siya natinag. Aba. Grabe naman ata itong si Ethan. Doble na ang kulit at tigas ng ulo niya. Napagitla pa nga ako noong hawakan niya ang kamay ko at halikan ang mga ito. Grabe, scripted pa ba ito? Nabibigla ako. Lods. "I want you back..." Napanganga ako, literally and figuratively. Ang bilis ng t***k ng puso ko. Ayaw niya akong bitawan. Huminto ang ulan at tila may rainbow na sa taas ng madilim na ulap lang kanina. Direk, paki-cut naman na yung scene, oh? Hindi na nakakatawa. Hindi na ako natutuwa. We? E bakit ka kinikilig?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD