Chapter 2
Jam Makulay
Diretso na tayo sa kwento ko. Sabi nila, ang love kusang lumalapit sa atin. Kaya hindi naman dapat natin ito hinahanap. Parang palay at manok.
Thanks, Cupid, ang ganda ng regalo mo kahit medyo late... Tapos, sabi pa nga ni Coco Martin- yummy!
Nilapitan ko si kuya na hindi ko pa alam ang pangalan, pero siya ang nakatakda para sa akin. I will defy all the logic, but he is the literally gift of heaven for me! Hulog siya ng langit, bes!
"Ang sakit..." inda na sabi niya.
Nilalagnat kasi siya. He is so hot- literal at figurative din. Inaapoy ng lagnat kaya binihisan ko ito- ng walang halong malisya, pero may abs siya! At saka ko siya pinasadahan ng bimpo na may tubig.
I am also cooking stew for this guy. Parang ang kaninang walang kulay na buhay ko ay napasadahan na ng krayola. Kinikilig nga ako e, kasama na yung sperm at prostate ko.
Gaga! Minsan lang ito. Hindi ko naman alam na sobrang generous ni papa God. Bibigyan agad ako ng jowa, without any second. Kung alam ko lang. Matagal na akong nag-nobena. Para lang sa prinsipe ko!
Still giggling here. Kinuha ko na ang mangkok, pinatay ang stove at nagsandok na ng sabaw. Kailangan ng kumain ng soon to be ko. Para makainon na ito ng gamot.
Naglakad na ako patungo sa kwarto ko. Ang kwartong saksi kung gaano ako ka-drama. Ka-lonely sa buhay ko, dahil hindi man lang ako makatikim-tikim ng luto ng Diyos!
Pero heto na oh, nakahanda na yung hapunan, chopstick na lang ang kulang. Pero bakit hindi ko ginagawa? Kahit na paka-defenseless na niya?
Kasi may respeto ako. Walang taong deserve na mabastos. What you throw is what you get. I strongly believe in karma. Nasa lupa man o nasa after life, sisingilin ka nito.
"Beh, tayo ka muna tapos kain ka. You need to eat to drink your meds," sabi ko sa malambing na tinig. Still giggling. Para akong bumalik sa teens ko.
Umupo naman ito, he is still not on the rigjt state. Halatang nanlalambot, halatang wala pa sa wastong wisyo ang binata.
Pero nakakain naman siya. Noong malahati yung bowl ay pinainom ko naman ito ng gamot. Umuubo pa nga ito e. Kawawa naman ang mahal ko. Hayaan mo, hindi ka na matutuyuan ng pawis kapag ako naging jowa mo.
Hindi ko namalayan na nakatulog na rin pala ako sa tabi ni Mr. Right... Kinaumagahan ay nagising ako na may anghel na natutulog sa tabi ko. Para akong biglang kiniliti. Ang sarap ng biglang in love!
Good morning world! Good morning Philippines! Asia! Africa, North and South America! Europe, Australia and Antarctica. Aylabyu! Bawing-bawi yung sama ng loob ko noong isnag araw. Parang gusto kong umulan ng uno ang mga estudyante ko bigla.
Nagising naman yung lalaki na katabi ko. Na-distort ng kaunti ang perpejto niyang mukha, pero mukhang adorable pa rin. Eh ako, kapag gi awa ko yung lukot mukha na pose na iyon, magmumukha siguro akong unusable na foil.
"Hi..." sabi niya, breathless, may ngiti pa nga.
Internally squealing!
"Hello," pabebe na sabi ko. Malamyos na tinig, mukhang birhen (legit naman na virgin), tapos tinig na parang malamyos na hangin sa kasagsagan ng spring.
Hinawakan ko naman siya sa leeg at noo, pati na rinsa kili-kili. Hindi na siya mainit. Mukhang okay na siga. Sabi ko namna s ainyo. Iba mag-alaga ang tulad ko. Kukuha na ako ng medisina sa susunod para maalagaan ko siya!
Umupo naman siya sa kama ko. Kung saan kami bubuo ng pamikya. Huwag niyo na lang kontrahin, ngayon na lang ako sumaya.
"Sorry sa istorbo..." nahihiyang sbi niya sa akin. Nagba-blush pa nga siya.
Napaupo na rin ako af saka umiling. Todo ngiti pa ako... With pleasing personality amd rigjt conduct.
"Hindi ka naman istorbo e! Ayos lang na nandito ka. Hindi ba ikaw yung dalangin ko? Salamat kay Papa Jesus, God gave me yo," sabi ko sa dreamy na tono. Haaay. Kung ganito lagi ang gising ko. Magpapa-piyesta ako ng buong isnag buwan.
He chuckled. Sexily, without being bias, iyon na ang pinakagwapo na tawang narinig ko sa buhay ko. Ang fresh niya kahit galing lang sa lagnat. Parang ang sarap niyang i-tarpaulin. Ang sarap niyang ilagay sa frame at magazine!
"Salamat ulit ha? Ako yung bago mong kapitbahay diyan. Galing lang ako ng cebu. Bigla nga akong nilagnat e. Wala namna akong kakilala rito. Tapos hindi konna kayang pumunta sa ospital." Kaya ka dito dinala ng tadhana. Ganon po iyon.
"Sakto, mahilig akong mag-alaga ng tamang tao," sabi ko sa kanya. Seryoso naman ako, pero puro siya tawa. Not like I am making reklamo. Masaya rin ako na masiya siya.
"Tayo ka na muna tapos kain na tayo ng almusal. Mabilis lang ako na magluluto... Pramis! May spare akong toothbrush sa banyo. May sabon din na hindi pa nagagamit. Huwag kang mahihiya na gumamit. You are not strong enougt para bumalik sa bahay mo, 'di ba? Dito ka na muna."
He smiled." Thank you, maraming salamat ha? Ano pala ang pangalan mo?" tanong niya sa akin. Pakiramdam ko, tinanong niya na ako ng' will you marry me'... Sasagot na sana ako ng, I do.
"Jam, pero pwede ring yours."
"Then, I will call you mine."
NALAMAN ko na ang pangalan niya.
Ethan ang pangalan niya. Ang gwapong pangalan ano ho? Parang ang sarap ilagay sa pangalan ko.
Jam X Ethan.
Kinikilig ako. Excited na akong sumubok ng Flames at iba pang destiny games, old school edition. Ready na yung pang-ukit ko ng puno, pangtulos ko ng kandila, engagement ring, at saka ang pinaka-importante, yung wedding cake namin.
Echos lang.
Ethan ang name niya, Ethan Zhang. Tatay nito ay half-Chinese, tapos mestisa naman ang nanay nito. Ang ganda siguro ng pamilya nila ano? Yung genes nila, talagamg sinasamba.
Hay Ethan, ang gwapo mo, tapos ang bait mo pa!