KABANATA 60

1729 Words

“SUNSHINE?” TAWAG KO sa halimaw na biglang nagpakita. Napangiti ako bagama’t hindi makapaniwalang narito siya. “Bakit narito ka?” tanong ko sa kanya. Siyempre inaalala ko ang baby naming dalawa. “Bakit? Nag-e-enjoy ka ba na nakatali ka d’yan kasama ng tatlong babae?” singhal niya sa akin. “Hindi,” sagot ko. “Dapat lang. Dahil kong oo, bubutasin ko ‘yang tiyan mo at hihilahin ko ang mga laman loob mo!” nakangising sambit niya. “Sunshine naman!” sigaw ko. Parang adik na naman siya! Pambihira. Manakot ba kita nang nakatali na nga ako na ‘di magawang makatayo. Bigla niyang sinugod ang babaeng nasa kaliwa ko, ang katawan ni Coleen. Ngunit tumagos siya rito. “Magproteksiyon sila,” sabi ko. “Ah, gano’n!” sigaw ni Sunshine sa halimaw niyang tinig. Naghanap si Sunshine ng bagay na magagamit

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD