“ILABAS MO ANG asawa ko! Alam kong nandito siya, Migs!” galit na sigaw ko. Nais ko nang sugurin si Migs. Ngunit pinigilan ako ni Lolo Jose. Ayaw niyang makapanakit ako. Na makagawa ng kasalanan dahil sa galit na nararamdaman ko. Ang luha ko ang hindi ko napigil. Sa anyo kong halimaw na nanlilisik ang kulay pulang mga mata at napunit na bibig at may mga matatalim na pangil, dumaloy sa mukha ko ang luha at sinubukan kong pigilan ang aking galit. “Nandito ako, mahal ko,” may pagmamakaawang sambit ni Migs. “Ano na naman ba ‘to, Migs?!” pasigaw na tanong ko. “Ako na siya,” tugon ni Migs. “Sunshine, hahanapin ko ang aking apo,” saad ni Lolo Jose. Tumango ako kay lolo at agad na siyang kumilos. Ni hindi man lang nabahala si Migs. “Lo, nandito ako,” mahinang sambit niya habang sinusundan ng t

