MAYA-MAYA PA, AY may tumawag na kay Lolo Jose. At iyon ang kanina pa naming hinihintay na tawag. Sinagot ni lolo ang tawag at sinet niya ito sa loudspeaker. “Magsalita ka?” wika ni lolo sa imbistigador na nasa kabilang linya. “Tigilan n’yo na kami,” saad ng nasa kabilang linya. Babae ito. “Emelia?” gulat na sambit ni lolo. “Ano ang ginawa mo sa kanya?” sigaw ni lolo. Nag-aalala siya para sa imbistigador. Hinawakan ko ang cellphone. “Emelia! Nasaan kayo? Nasaan ang asawa ko?!” galit kong sigaw. “Tigilan ninyo na kami! Pabayaan ninyo na kami, puwede ba?” galit din na sagot ni Emelia. Ang kapal ng mukha niya! Puwede ba? Sa kanya talaga galing ‘yon? Kung magsalita siya parang kami pa ang may kasalanan! Impakta! “Ang kapal ng apog mo! Ibalik mo ang asawa ko!” sigaw ko. Gumapang na ang gal

