SINUNOD KONG HINABLOT ang buntis na siyang pinakamalapit na sa akin habang ang pamilya ay sinusubukang wasakin ang harang na proteksiyon ko upang ako ay atakehin. Nagtiwala ako kay Emelia. Hindi. Nagtiwala ako sa sarili ko. Dahil naisip ko na hindi si Emelia ang multong gumawa ng liwanag na harang na pumuprotekta sa akin ngayon. Ibinigay ko ang tiwala ko sa babaeng multo na kamukha ng impaktang si Emelia. Pero sana lang talaga tama ako. Pero hangga’t natutulungan niya ako, hahayaan ko muna iyon. Lalo pa tila lalong lumalakas ang mga kalaban marahil dahil sa ginawa ko sa dalawa nilang kasama ay nakaramdam sila ng galit na nagpalakas sa negative black energy nila. Nakaramdam ako ng awa sa buntis. Naalala ko pa sa kanya ang nakalaban namin noon ni Lukas sa baryo Madulom. Marahil tulad no’n,

