“FOOD IS LIFE, by M,” pagsisimula sa ko nang pagbabasa sa kuwentong isinulat ni Migs. ~ ‘FOOD IS LIFE’ by M. “Babe!” Paglingon ko, nakita kong nasa tabi ko na si Emily ang GF ko. “Kanina ka pa?” tanong niya. “Medyo lang,” nakangiting sagot ko sa kanya. Sinundo ko siya sa trabaho niya dito sa SM Fairview. 10:00 pm na ang out niya. At minsan, tulad ngayon, halos alos-dose na nang hating-gabi siya nakakalabas. Hindi safe na bumiyahe siya mag-isa lamang lalo na sa panahon ngayon na kaliwa’t kanan ang nangyayaring krimen. Wala nang gaanong sasakyan at iilan na lamang ang pasahero. Sumakay kami agad sa jeep na may anim na pasahero, mahirap na kasing sumakay sa jeep na halos kayo lang ang tao. ‘Di naman sa panghuhusga, nag-iingat lang. Biyahe papuntang Bagong Silang ang sinakyan namin. May ma

