KABANATA 93

1114 Words

PATULOY ANG PAGKATOK sa pinto. Mas gumapang ang kaba sa aking katawan. Napahawak na ako sa aking tiyan. Nakaramdam ako ng takot para sa buhay namin ng aking anak. Magulo ang utak ko. Hindi ko alam ang eksaktong nararamdaman ko bukod sa takot. Tama ba ang naiisip ko o nagiging mapaghinala lamang ako dahil sa sitwasyong kinalalagyan namin ngayon? Hindi ako makakilos habang patuloy naman sa pagtawag sa akin sina Mang Bhoy at Aling Maring sa labas ng pinto. At umuulit-ulit sa isip ko ang mga huling salitang binasa ko sa kuwentong isinulat ni Migs. Na tila naririnig ko na sa utak ko na palakas nang palakas! “May biyaheng dadalhin tayo sa ating katapusan. Kaya huwag magtiwala sa driver at sa aleng kasama nito. Dahil ang buhay ay puno ng panlilinlang. Kinakain ka na’t unti-unting nauubos na hin

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD