SAMANTALA, SI MIGS, matapos ito iwanan nina Sunshine at Jose sa bahay nito na nakaupo sa sahig at iniinda ang pinsalang natamo nito sa mga kamay ni Jose ay tumayong parang walang nangyari. Tahimik itong naglakad patungo sa silid nito at naghubad ng kasuutan nang pasukin nito ang banyo. Naligo ito na nanlilisik ang mga mata sa galit at napasuntok pa sa pader nang malakas na ikinasugat ng kamao nito. Naghalo sa sahig ang tubig mula sa shower sa dugo mula sa sugat ng binata. Nang matapos maligo si Migs at makapagpatuyo suot ang bathrobe, tumawag ito sa isang cleaning manpower services para ipalinis ang kanyang bahay dahil sa naging gulong sanhi ng pagpapamalas ng malakas na enerhiya ni Jose. Nagkalas sa living room ang mga gamit at ilang nabasag na salamin. “I don’t mind kung anong oras na

