LUMABAS NG GATE ang gray na sasakyan ng mansiyon kung saan sakay kami nina Dave, Diana at Coleen, na minamaneho ni Mang Bhoy. Sa harapan ako nakatayo, at ang tatlong multo naman na kasama ko ay magkakatabi sa likuran na upuan. Napapagitnaan nina Diana at Coleen si Dave. Alam na ni Mang Bhoy ang lugar naming pupuntahan kaya madali niya kaming nadala doon. At may diskarte siya para papasukin kami ng guard ng subdivision kung saan nakatira si Elena. Tama si lolo, maaasahan nga si Mang Bhoy. Huminto sa gilid ng kalsada si Mang Bhoy ilang metro ang layo sa bahay ni Elena. “Nandito na ba tayo?” tanong ni Coleen. “Oo, Coleen,” sagot ni Diana. Na mukhang handang-handang bumawi ng bagay na inagaw sa kanya. “Sa wakas makakaharap ko na muli ang bruhang ‘yon!” ngitngit ni Coleen. Para silang dala

