“AYOS NA BA itong porma ko? Baka maging pansinin ako do’n dahil makitang kakaiba ako sa kanila?” tanong ko sa tatlong multo kong kasama. “Hindi ba ako magmukhang payasong jologs do’n? Panigurado pormado ang mga nasa party na ‘yon. Baka ako lang ang baduy ro’n?” dagdag ko pa. Tiningnan nila ako mula ulo hanggang paa. May suot akong dark-gray na hoody jacket, itim na maong na pants, black and gray na rubber shoes, may suot pa akong itim na sombrero na pormahan ko na talaga bago ko pa makilala si Sunshine. At yellow t-shirt, dahil gusto ni Sunshine sa bawat misyon namin, nakadilaw kaming suot para signature color na raw naming dalawa. Siyempre si ako na mahal siya, sunod naman sa gusto niya. Kahit gusto ko sana lagi lang akong nakaitim. “Umm? Well, to be honest Lukas, ang plain lang ng porm

