NAGULAT SINA MANG Bhoy at Aling Maring sa bigla kong pagyakap sa kanila. Kaya ipinagtapat ko na rin ang dahilan. Mahigpit na yakap pa ang naging sukli nila sa kabila ng aking paghihinala sa kanilang katapatan. Nalungkot man sila sa pag-iisip ko sa kanila ng masama, ngunit inunawa nila ako at inalala pa ang aking naramdaman ng mga panahong iyon. Nasa silid pa rin kami ng enerhiya, at isinalaysay ko sa kanila ang mga naganap sa pinuntahan kong bahay sa North Caloocan. “Nararamdaman ko po ang antok ngayon. Ngayon din po ay aalamin ko sa panaginip na sinasabi ni Emily ang mga nais kong malaman,” saad ko sa pagtatapos ko ng aking kuwento tungkol sa nangyari sa bahay 886. “Magbabantay ako sa iyo, iha,” sambit ni Lolo Jose. “Dito na kami matutulog, maglalatag na lamang kami sa baba,” saad ni A

