MULI KONG INULIT ang pagpindot sa doorbell nang walang kung ano man lang na nakita kaming response mula sa loob ng mansiyon. At inulit ko pa nang inulit. At inulit pa nang inulit hanggang sa makulitan sila at buksan ito. Nakakaramdam na ako ng inis! Nagkatinginan kaming lima, sina Mang Bhoy at Aling Maring pala ay hindi nakikita si Dave. At lahat sila kita na rin ang inip. At mukhang sinasadya ng mga nasa loob na hindi kami pagbuksan at balewalain lamang. Nais ng babaeng ‘yon na magmukha kaming masama! “Sinubukan ko nang ilang beses kanina na makapasok, pero matibay talaga ang harang. Inisip ko sana na ikutin ang bahay hanggang sa likod ngunit baka lumabas sila kaya nag-stay ako rito sa harap ng gate,” wika ni Dave. Napatingin ako kay Dave sa sinabi niya at may naalala ako. “Dave, ‘yong

