KABANATA 76

1548 Words

KINABUKASAN, MAAGA KAMING naghandang apat nina Lolo Jose, Mang Bhoy at Aling Maring. Nagdasal muna kami nang sabay-sabay sa van bago ito paandarin ni Mang Bhoy. Muling para kaming apat na sasabak sa isang malaking digmaan bitbit sa puso namin ang tapang at kagustuhang mailigtas si Lukas. Nang marating namin ang makipot na daan, naroon pa ang panyo kong dilaw kaya alam kong hindi kami nagkamali ng napuntahan. “Bhoy, Maring, kung may pag-aalangan kayo na samahan kami, hindi ko kayo pipilitin,” pahayag ni Lolo Jose sa dalawa niyang malapit na pinagkakatiwalaan. “Sir, mula nang umalis tayo ng mansiyon ay nakahanda na ako,” matapang na sagot ni Mang Bhoy na may ngiti sa labi. “Hindi lang pagluluto ang alam ko. Alam ko rin pumalo,” sabi naman ni Aling Maring at itinaas ang stainless na sando

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD