KABANATA 74

3536 Words

- NAKALIMUTANG ALAALA – MULTO AT TAMPO - PAGDILAT KO NG aking mga mata, tumambad sa ‘kin si Sushine na nakatayo sa may paanan ng kamang hinihigaan ko. Takot na takot siya na nakatingin sa labas ng salaming bintanang may kalawanging rehas na bakal. “Sunshine?” mahinang tawag ko sa kanya. Hindi siya sumagot at hindi niya rin ako nilingon. Itinaas niya ang kanyang kanang kamay at itinuro ang labas ng bintana. Agad akong bumangon at nilapitan siya para tingnan ang tinutukoy niya. Nanlaki nang husto ang mga mata ko sa nakita kong itinuro ni Sunshine. Kinusot-kusot ko pa ang mga mata ko sa ‘di pangkaraniwang nasasaksihan ko – isang malaking puno ng mangga ang unti-unting natutuyo. Naglaglagan ang mga dahon nitong mula sa pagiging berde ay naging tuyong-tuyo na. Natuklap ang balat ng puno na t

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD