TULALANG SINUNDAN KO sina Lukas at Emelia. Nagmistulan akong multo sa elevator na nakatitig sa kanila. Mabuti na lang hindi puti ang suot ko. Mabuti’t dilaw na bulaklaking maternity dress ang suot ko ngayon. Kundi ay nagmukha na akong stalker na white lady na broken-hearted sa elevator. “Sunshine, ‘wag kang magpatalo sa nararamdaman mo,” sambit ni Dave. Nasa tabi ko siya. “It’s possible na hindi tayo nakikita at naririnig ni Lukas, at maging hindi nararamdaman. Maaring may paliwanag doon, Sunshine. Ngunit si Emelia na nasa katawan ni Elena, imposibleng hindi niya tayo nakikita. Kayo na rin ang nagsabing mapanlinlang siya.” Napakuyom ako sa narinig kong sinabi ni Dave. Tama siya. Kailangan kong lakasan ang loob ko. At hindi magagawa sa akin ni Lukas ang nangyayaring ito ngayon. Maaring ma

