NAGPASYA AKONG MAGING kaluluwa. Kasama si Dave, sinundan namin ang direksyon ng liwanag bago ito naglaho. Ang mabatong kalsada ay binaybay naming dalawa habang nakasunod naman sina lolo na diretso lang na tinatahak ang daan. Ang layo na nang narating namin ni Dave, ngunit wala pa kaming matagpuan na maaring magturo ng kinalalagyan ni Lukas. “Sunshine, may daan dito,” wika ni Dave. Itinuro niya ang daan na makipot, na hindi na magkakasya ang isang sasakyan. At hindi rin makita ang dulo nito, papasok na ito sa kagubatan. Binalikan namin sina lolo, dahil malayo na ang naging layo namin sa kanila. Sinabi namin sa kanila ni Dave ang tungkol sa daang nakita namin. At sinabi naming nasa kanang bahagi ito at mag-iiwan kami ng palatandaan. Panyo kong kulay dilaw ang ginamit kong palatandaan. Itin

