“SUNSHINE, HALIKA NA,” malungkot na sambit ni Lolo Jose nang makalabas kami sa siwang na daanan sa likod na pader na dinaanan namin papasok sa mansiyon ni Emelia. Paatras akong humakbang. “Hindi po ako aalis dito,” pailing-iling na sambit ko. “Babalik ako sa loob. Baka bumalik si Lukas. Alam kong babalik siya,” iyak ko na hindi ko na napigilan. “Pakiramdam ko kapag umalis ako ngayon, hindi na kaming magkikita pang muli. Kaya hindi ako aalis. Dito lang ako. Hihintayin ko ang asawa ko…” Niyakap ako ni lolo. “Patawad,” sambit niya. “Kasalanan ko…” Yinakap ko si Lolo Jose. Hindi ako nakaimik dahil lalo na lamang akong naiyak. Sa yakap ko kay lolo, nais kong iparating sa kanya na wala siyang kasalanan. Marahil iniisip niya na siya ang nagpasya kagabi na umalis kami sa tapat ng mansiyon ni Em

