KINAUMAGAHAN, PINAGBAKASYON MUNA ni lolo ang ibang kasambahay. Nagpasalamat pa sila sa amin dahil makakauwi sila sa kanilang pamilya ngayong pandemya. Sumunod naman sila sa mga health protocol at binigyan sila ni lolo ng sapat na pera para sa kanilang bakasyon. Naiwan sa bahay sina Mang Bhoy at ang kusinerang si Aling Maring na siyang naasahan ni Sunshine para sa kanyang pagbubuntis. Matandang binata at dalaga sina Mang Bhoy at Aling Maring kaya naman pumayag silang magpaiwan. Alam na rin nila ang sitwasyon. Bagama’t hindi rin nakakakita ng multo o mga espirito si Alng Maring tulad ni Mang Bhoy, naniniwala na talaga siya sa mga kababalaghan ng mga kaluluwa na matagal nang paniwala sa kanilang probinsiya. Nasa sala kaming lahat, si lolo, si Sunshine, at sina Mang Bhoy at Aling Maring. May

