ALEXANDRO’S POINT OF VIEW Hindi pa rin ako makapaniwala sa kapal ng mukha ni Benedict. Sa kabila ng lahat, nagawa pa rin niyang saktan si Athena sa mismong lugar kung saan dapat ay ligtas siya. That bastard. Kung hindi ko lang inisip ang kalagayan ni Athena, kanina ko pa siya tinapos. Pero hindi pa huli ang lahat. Walang lalaking makakaligtas pagkatapos niyang saktan ang babaeng akin. Tumingin ako kay Athena na ngayon ay mahimbing nang natutulog sa ospital bed. Hindi siya dapat nandito. Hindi siya dapat dumaranas ng ganitong sakit at takot. Hindi ko na hahayaang mangyari ulit ito. Mabuti na lang at may sarili akong paraan para turuan ng leksyon ang gagong iyon. Kinuha ko ang phone ko at tinawagan ang isa sa mga tauhan ko. "Lucas," malamig kong tawag sa

