“Good job, Katie!” bati agad ng ilang armadong mga lalaki nang pumarada siya sa harapan ng isang warehouse sa likuran ng Del Reyes Hospital. Ngumisi lang si Katie at nakipag-high five sa mga ito. “Ano na ang susunod?” tanong agad ni Katie habang naglalakad na papasok ng warehouse. “Nagbibiyahe na ang mga grupo na may dala nong medicine chip. Maging sina Boss, papunta na rin dito. Inintay lang nila ang gulo na ginawa mo para ma-clear ang mga checkpoints,” sagot ng lalaki saka naupo sa isang bangko. “Nakapwesto na ang mga nurses na mag-iinsert ng chips sa mga pasyente na narito sa ospital,” dagdag pa ng lalaki at nag-offer ng maiinom kay Katie. “Mabuti naman. Mukhang nandito na lang tayo just in case na may aberya na mangyari?” “Oo, panigurado naman na may mga pasyente na makakatunog n

