Makalipas ang dalawang taon, masiglang nag-aabot ng order na kape at tinapay si Katie sa mga customer ng restaurant niya sa Italy. Siya ang legal na tagapagmana ng lahat ng naiwan ng kaniyang ama at ina kaya nakapagpundar siya ng restaurant café. “Mam! May naghahanap po sayo?” sabi ng isang waiter. “Sino?” walang interes na tanong ni Katie nang umupo sa loob ng kusina pagkagaling sa labas. “Luke raw po,” sabi ng waiter. Pagkarinig nito ay mabilis na lumabas sa back kitchen si Katie. “Sabi ko na, tatakasan mo na naman ako!” naka-cross arms si Luke at nakangiti na naka-abang sa likod. “Bakit ba kasi…” sigaw ni Katie at binato ng tinapay si Luke saka mabilis na tumakbo paalis. “KATIE!” habol ni Luke. “Tantanan mo na ako! Baka mamaya mabaril ka na naman! Mababaliw na talaga ako!” siga

