"Dein, you've been up for hours. Take a nap even just for a bit, will you?" Walang buhay akong lumingon sa direksyon ni Gavin nang marinig ko siyang magsalita. Nakita ko siyang nakaupo sa gilid ng natutulog na sina Elie at Sunny at titig na titig sa direksyon ko. Nang magtama ang mga mata naming dalawa ay nakitaan ko ng pag-aalala ang mga mata niya. Tinapunan ko siya ng isang matipid na ngiti bago ko ibinalik ang mga mata ko sa natutulog kong mama. She's still not waking up. Ni ang igalaw nang kaunti ang mga daliri niya ay hindi niya ginagawa. Stable naman ang kalagayan niya at hindi pa naman namin kailangang tawagin ang doktor dahil wala namang problema sa kaniya. Tanging ang tahimik na pago-obserba nalang ang magagawa namin ngayon at ang paghiling na sana ay gumising na siya. H

