Ilang araw na ang nakalipas simula nang ma-admit sa hospital si Mama. At ilang araw na rin kaming nagpapalitan ni Gavin sa pagbantay kay Mama roon. Sabi kasi ni Tita Kate ay abalahin ko na muna ang kalagayan ni Mama kaya naman ay ayos lang sa kaniya kahit na hindi na muna ako pumasok sa call center. Kaya naman ang pinagtuunan ko ng pansin para makakuha pa rin ng pera ay ang coffee shop. "Sigurado ka ba na ikaw nalang ulit ang magbabantay kay Mama? Pero paano ang trabaho mo sa agency?" Nag-aalalang tanong ko sa kaniya nang ihatid niya ako sa café. He was the one who offered to take me to work, everyday, for free. Panay ang tanggi ko no'ng una pero ayaw niyang magpapigil. Maging sila Sunny at Elie ay kumampi na sa kaniya nang mga panahon na 'yon. Kaya naman ay hindi ko alam kung paano k

