"Dein, may ginagawa ka ba?" Napalingon ako kay Sunny nang marinig ko ang sinabi niyang 'yon mula sa may bandang front desk ng coffee shop. Agad naman na nagtama ang mga mata naming dalawa nang marinig ko ang sinabi niyang 'yon at nang magkatinginan kami ay tanging ang pagkibit-balikat nalang ang ginawa ko. "Wala naman... Tapos naman na akong mag-asikaso ng orders. Bakit?" Walang kamuang-muang na tanong ko sa kaniya. Hindi ko napigilan ang hindi pagkunutan ng noo nang makita ko siyang may hawak na isang tray na may lamang isang tasa ng kape at isang tinapay. May kung ano rin siyang nililingon-lingon mula sa kabuuan ng shop kaya mas lalo akong nagtaka sa ikinikilos niya. Para siyang may kiti-kiti at hindi mapakali sa kinatatayuan niya nang mga oras na 'yon. Hindi ko naman magawang m

