Matapos ang shift ko sa café ay diretso sa hospital ang punta ko. May kalayuan ang lokasyon no'n sa pinagta-trabahuhan ko pero wala sa akin ang pagod sa byahe. Makita ko lang ang pinakamamahal kong ina, kahit na hindi niya pa ako nakikita gamit ang magaganda niyang mga mata. "Here we are," Gavin announced the moment we arrived at the parking area of the hospital. Naramdaman ko ang pagtigil ng pag-andar ng motor niya kaya naman ay agad na rin akong umalis sa pagkakaupo ko roon. I didn't wait for Gav to remove the helmet I'm wearing, and so I decided to do it myself. Nang maiangat ko 'yon mula sa ulo ko ay mukha kaagad niya ang bumungad sa harapan ko. Hindi niya na suot ang helmet at nakatitig na siya nang diretso sa akin. "Salamat sa paghatid. Pasensya ka na sa abala na naidudulot

