Mabilis na kumalat ang balita tungkol doon sa mga kaibigan ko, maging kay Tita Kate. Walang plano sina Elie na bumisita muna kay Mama dahil abala sila sa mga gawain sa café. Maging si Gavin ay pinauwi ko na muna, kaya naman nang hindi ko sagutin ang mga texts at tawag nila sa akin ay nagpasya agad silang puntahan ako rito. Dahil ito lang naman ang natatanging lugar na talagang pupuntahan ko palagi. Mama is here. She is my home. Hindi ako sumipot sa café kinabukasan nang malaman ko ang tungkol sa tunay na kalagayan ni Mama. Kaya naman mas lalo silang nagsuspetsya na may kung anong mali, dahil sa hindi ako nagpakita sa kanila "Dein, kumain ka naman muna. Simula nung makarating kami rito hindi pa kita nakikitang kumain." Bakas sa boses ni Elie nang sabihin niya ang mga salitang 'yon an

