Kagaya ng dapat naming gawin ay nanatili lang kami roon habang naghihintay ng resulta. Halos isang oras na kami roon pero ang bawat isa sa amin ay alerto. Lalong-lalo na ako. Ni hindi ko magawang maialis ang mga mata ko sa dalawang pintuan ng emergency room sa gilid namin, nagbabakasakali na may lalabas nang doktor o kahit nurse manlang na magbabalita ng lagay ni Mama. I kept on praying and praying that she'll be safe. Na walang kung anong malubhang nangyari sa kaniya. Hinding-hindi ko mapapatawad ang sarili ko pag nagkataon kung mangyari man 'yon. Dahil ako ang dapat na nasa tabi niya nang mga oras na kailangan niya ng kung sino. Ako dapat ang naroroon at hindi ang ibang tao. Pero mas pinili ko pa ang sarili kong kagustuhan kaysa intindihin ang sarili kong ina. I wasn't suppose

