CHAPTER 38 Switzell’s POV “Sa susunod, ah! Sumama ka na!” tumaas na lamang ang dalawa kong kilay at tumungo, hahayaan ko na lang sila sa kung ano ang gusto nilang isipin. Nauna si Mellisa na maglakad patungong dorm nila, nahuli si Zell. Isang hakbang pa lamang ang nagagawa niya nang lumingon siya sa akin. “P-pwede bang, ‘wag mo munang sabihin sa kaniya ang totoo?” kumunot ang aking noo, alin ang totoo? “Iyong? Gust-” “Shh..” “Hoy! Ano ‘yan? Ano ‘yan!” mabilis na lumapit sa akin si Mellisa at tignan kaming dalawa ni Zell, ngayon ay hawak-hawak ni Zell ang aking bibig. Habang nakasandal sa aming pinto, hindi ko pa kasi binubuksan ang pinto ko. Gusto ko silang mauna, upang hindi na sila pumasok. Sinisiguro ko lamang, lalo na ngayong alam ko na, na hindi si Kiarra ang kasama ko sa d

