I am taken aback when someone grabs my arms to turn me around. He is panting heavily like he just joined a marathon with his sweat dripping down his forehead and neck. He furrows his eyebrows at me with worried look on his face and wipes something on my cheeks. Just then I realize, I am crying.
"I'm sorry," I can hear his sincerity making me swoon over him like he always do. I blankly stare at his dazzling eyes. God knows how much I miss him. I miss his sweetness, his gaze, his touch, every bit of him.
"Sorry. Ang tanga ko. Alam kong wala kang tiwala sa akin dahil hindi mo naman talaga ako kilala. Baka iniisip mo na may gagawin ako sa'yo. Sorry ang insensitive ko sa nararamdaman mo. But I promise you I am not the person you think I am."
Parang binuhusan ako ng malamig na tubig sa sinabi niya. He got it all wrong. Pero imbes na sagutin ko siya, napatikom lang ako ng bibig. Bakit pa ko magpapaliwanag? Ano, sasabihin ko sa kanyang ayaw ko sa unit niya dahil nasasaktan ako na may mga babae siyang dinadala dun? Na ako si Kristin? Ang naging girlfriend niya ng dalawang taon at namatay tapos muling nabuhay sa ibang katauhan? Kahit ako hindi makapaniwala sa sarili kong iniisip. I bet he will never believe my explanation that would only sound like an alibi-- that doesn't even sound like one.
Binaba ko ang mga kamay niyang nakahawak sa akin. Hindi ko siya matitigan sa mga mata. Malulunod lang ako at baka hindi ko mapigilan ang sariling yakapin siya dahil sa pangungulila. "Iuwi mo nalang ako please." Mahinahon kong saad. Tumango agad siya at gumilid para paunahin ako sa paglakad.
Michael Jann.
Making sure that no car is approaching from the opposite street, I take my chance to glance at her. Nakatulog na naman siya. Lumapit ako sa kanya para hawakan siya sa noo. Bumuntong-hininga ako nang medyo bumaba na ang lagnat niya.
I stop the car and unbuckle my seatbelt before opening the car door to climb out warily. Umikot ako at binuksan ang pinto sa passenger seat. Maingat ko siyang binuhat para hindi ko siya magising. I sigh quietly upon reaching the door of her house. She did not even lock it. I guess she is 100% certain that no burglar would ever think of breaking into her house.
Hinanap ko ang switch ng ilaw pero wala akong nakita. Hindi naman ganoon kadilim sa loob dahil sa bintana. May nakakapasok na liwanag na nanggagaling sa street lights sa labas. Dahan-dahan ko siyang nilapag sa kama niya. Sinuri ko ang kwarto niya. Mag-isa lang ba siya? Wala ba siyang kamag-anak o pamilya? I don't even know why I am curious about it. Binuksan ko ang cabinet na nasa gilid ng kama. Walang kumot. Ang lamig ngayon. How does she put up with it without blankets? Napahilot ako sa sentido. Hindi ko din siya maiiwang mag-isa dito.
Guess I should ask for help. Kinuha ko ang cellphone sa bulsa at binuksan ito gamit ang fingerprint ko. I just hope she is not on duty today.
Trisha.
Napangiti ako habang nakapikit pa rin nang gumising sa ulirat ko ang maiinit na kamay na humahagod sa pisngi ko. Minulat ko ang mga mata at bumungad sa akin ang maamong mukha ni Lucy. Nakangiti ito habang pinunasan ako mukha ko. Bumalikwas ako ng bangon pero napangiwi din ako agad sa ginawa ko. Sumasakit ang likod ko pati na ang mga braso ko.
"Easy there," saad ni Lucy at tinulungan akong mahiga ulit. May kinuha siya sa gilid ng kama. "Ilalagay ko lang ito sa bibig mo ah? Para macheck natin ang temperature mo." Nakatitig lang ako sa kanya habang binubuka ang bibig. Walang nagbago sa kanya simula nang mawala ako maliban sa humaba ang buhok niya na mas lalong nagpaganda sa kanya.
Ilang sandali ay kinuha niya ang thermometer sa bibig ko. Ngumiti siya nang basahin ang temperatura. "Mukhang gagaling ka na anytime soon. Mabuti naman." Saka ko lang napansin ang basang bimpo sa noo ko at ang kumot na nakabalot sa katawan ko.
Napansin ko ang pagpasok ni Jann ng bahay na ngayon ay may dalang malalaking plastic bags. "Kamusta siya?" Hindi siya lumingon sa amin at busy sa paglapag ng mga dala sa mesa habang isa-isa iyong inaalis sa plastic bag. Tumayo naman si Lucy para tulungan siya. Tahimik lang akong nanonood sa kanila.
"She is okay now. Pwede ka nang umuwi para magpahinga, ako na bahala sa kanya dito," nakangiti nitong sabi at siyang tinugon naman ni Jann. "Thank you Lucy. Alam kong nagising pa kita. I just badly need help." Hinampas siya ni Lucy sa balikat at natatawa pa. "Ano ka ba Michael? Basta ikaw. At sanay ang katawan ko na gising magdamag kaya wala sa akin yun. I even admire you. You really love helping people in need." May nakapatong na emergency light sa mesa kaya hindi nakawala sa paningin ko ang pamumula ng pisngi ni Lucy. Hindi lingid sa kaalaman ko na gusto ni Lucy si Jann pero hindi ko lang alam kung hanggang ngayon ay ganun pa rin ang nararamdaman niya.
Kung hindi ko sila kilala, magpakakamalan ko na sila. You know what I mean. Bagay silang tingnan...
Ngumiti sa kanya si Jann at nagtama ang aming tingin nang bigla siyang lumingon. Iniwas ko ang mukha ko pero wala na. Napansin niya na ako. "Gising ka na pala," mabilis itong kumilos at may kinuhang cup noodles sa plastic. Kinuha niya din ang maliit na thermos at nagsalin ng tubig sa cup matapos itong buksan. Seriously, why did he bring so much stuff?
Nanigas ang buong katawan ko nang lumapit siya at naupo sa gilid ng kama. Nakangiti siyang hinahalo ang noodles at ang sabaw nito. Nakapako lang ang tingin ko sa mukha niya. Hindi na malamig ang mga mata niya, kumikinang na ito sa saya. Kung dati walang emosyon ang mukha niya, naging malambot at maamo na uli ito hindi tulad ng una ko siyang makita.
Hindi ko namalayan na lumapit na din pala sa amin si Lucy. Tumingala ako para makita siya, hindi ko mabasa ang ekspresyon niya pero kalmado iyon. "Ako na ang magpapakain sa kanya Michael. You really need to rest. Please," tumingin muna sa akin si Jann bago binigay ang cup kay Lucy. Tumayo na ito para si Lucy naman ang maupo. Nakangiting hinipan ni Lucy ang sabaw at nilapit sa bibig ko ang kutsara. Right. Everything is because of Lucy. Masaya si Jann na andito siya. Who would not fall in love with Lucy? She is charming, jolly, daring, and not to mention the fact that she is also very smart. Unlike me na laging pasan ang mundo. Kung lalaki ako siguradong mahuhulog ang loob ko sa kanya. Kaya nga din naging malapit ko siyang kaibigan dahil nagustuhan ko ang mga katangian niya.
Hindi na ako magtataka kung magkapalagayan sila ng loob ni Jann. To tell the truth, I don't feel jealous about it, not at all.
"Ahh!" Napangiwi ako nang masamid sa kinakain. "Oh shoot! Are you okay?" Pinunasan ko ang bibig at ngumiti sa kanya. "Okay lang ako. Salamat."
"Lucy, I can take it from here. I really appreciate your help. Thank you." Nakapikit ako pero dinig ko ang pag-uusap nila. Pinatulog na ako ni Lucy pagkatapos kong kumain pero sadyang hindi ako dinadapuan ng antok.
"I really don't mind Michael. Sige na. Sabay na tayong umalis. Hihintayin na kita." Bakit ba kasi hindi nalang nila ako iwan? I mean, okay naman na ako. I somehow feel guilty for bothering them. At ako lang naman ito, a complete stranger to them. Narinig ko ang buntong-hininga ni Jann bago magsalita.
"Fine. Hintayin mo na ako sa labas." Mga yapak ng paa na palabas ang umalingawngaw sa kwarto.
Akala ko pareho na silang nakalabas pero napadilat ako sa mahinang pagtapik sa balikat ko. "Hey, Trisha?" Tiningnan ko ang maamo niyang mukha at hinawi ang kumot na nakatalukbong sa akin.
Naupo ako at ganun din ang ginawa niya. Magkatabi na kami ngayon sa kama. Sobrang tuwa ko kasi mas malaya akong pagmasdan siya. Ito. Ito ang Jann na kilala ko. ^_^
"Hey, I bought you some groceries. May mga iiwan na din akong gamit dyan and don't bother giving them back to me. Okay ka na ba dito?" I miss his sweetness. Tumango ako sa kanya bilang tugon at umangat ako sa pagkakaupo para mayakap siya. Matagal ko nang gustong gawin ito. Hindi ko na mapagilan ang sarili.
Naramdaman kong nanigas siya sa ginawa ko pero mas humigpit ang yakap ko sa kanya. Ngumiti ako nang lumapat ang kamay niya sa likod ko. "Thank you so much Jann." I miss you.
Kumalas siya sa pagkakayakap at biglang tumayo na nagkakamot ng batok. "S-sige. I-lock mo yung pinto pagkalabas ko. Aalis na ako." He turns around and leaves in a flash.
Lucy.
Nanlisik ang mata ko nang mula sa bintana ay nakitang niyakap ni Trisha (kung hindi ako nagkakamali yun ang pangalan niya) si Michael. Nagkasalubong ang kilay ko nang yumakap pabalik si Michael sa kanya. That Trisha did not seem flirty to me at first glance tho. But now, she is giving the signals.
Nakasandal ako sa pinto ng kotse ko nang sinasara ni Michael ang pinto ng bahay habang nagkakamot ng batok.
"That was quite a scene," I manage to smile and he stops in my front. We are inches away from each other. Naka-cross arms pa rin ako nang madatnan nya ko.
"Oh, you saw that?" He smiles shyly and it's just making me uncomfortable. I roll my eyes and glare at him.
"Stop making that face. Nakakailang ka tuloy," nagpout ako nang sabihin iyon. Umalis na ako sa pagkakasandal at tumayo na nang maayos. "I know you have soft spots for damsels in distress pero... do you even know that girl?"
Nag-aalala lang naman ako kay Michael, knowing how vulnerable he is now. Pitong buwan na din ang lumipas at ngayon lang ulit niya ako kinausap. Tuwang-tuwa ako nung tumawag siya kanina na kahit sobrang himbing ng tulog ko gawa ng stress sa work, hindi ko iyon ininda. What was important to me was that he was trying to reach out. Pero nawala din agad ang sigla ko nang tumawag lang pala siya para humingi ng tulong. I expected "I miss yous" from him at the very least. Pero wala.
But it is a good start, right? Na nagkausap na ulit kami ngayon. Mula kasi nang mawala siya, nag-iba na si Michael. Parang hindi na siya ang taong kilala ko. Ang taong nagustuhan ko.
Umiwas siya ng tingin nang marinig ang tanong ko at tumungo na sa kanyang kotse. That proves me right. Bago pa siya makapasok, nilapitan ko siya para pahintuin at sinara ang pinto ng kotse.
"Tell me, Michael. That girl, does she reminds you of..." I exhale before saying another word. "Kristin?" Hindi siya umimik, nakatuon lang siya sa nakasarang pinto. Napatingala ako. Geez, so I am guessing it right. "Kristin is gone, Michael. When will you accept that?"
"S-stop saying that! H-hindi totoo yan." His voice cracks, he swallows something down his throat. Hanggang ngayon, hindi pa rin niya matanggap ang pagkawala ni Kristin. Ano ba ang dapat kong gawin para matauhan siya?
I look down and stare at him intently. "Michael, I'm just worried okay?" I can't help my British accent. Nasanay na akong ganito magsalita mula nang mag-abroad ako. "Paano kung oportunista pala ang babaeng yun?"
Hinawakan ko siya sa balikat. "What if she is just like the other girls you've met before?" Mula nang mawala siya, maraming babaeng lumalapit dito kay Michael. Well, Michael just lets them. I can't blame Michael though. He badly seeks for attention and love. Pero yung mga babaeng yun, they were all just after his looks plus the money and wealth of course. The hell with them. He doesn't deserve those kind of girls.
At alam kong hindi nila matatapatan ang pagmamahal ko kay Michael. Now that Kristin is gone, fate is giving me a chance to be with Michael so I am grabbing every opportunity I can get. This time, I am not going to lose him. Not like how I lose Kristin and my parents. Not like how I lose Michael before nang pakawalan ko siya. Pero ito nga ang problema, nilayuan nya ako even his parents hindi niya kinakausap. Ganun siya ka-bitter ngayon. Paano ko nalaman ang mga nangyayari sa kanya? I have my sources and his parents always give me updates. I also have their permission to get Michael swoon over me.
"You don't know anything Lucy. Hindi mo alam ang nararamdaman ko ngayon!" Tinabig niya ang kamay ko. Bubuksan niya na sana ang kotse pero humarang ulit ako.
I scoff and smirk at him. "Hindi ko alam Michael ha? Hindi ko alam kung paano mo lunurin ang sarili mo sa alak at babae halos araw-araw para lang makalimot? Hindi ko alam kung paano mo sirain ang buhay mo? Halos pabayaan mo na ang trabaho at business mo! It's not worth it Michael! Let her go. I'll help you. Andito lang ako lagi sa tabi mo. Sising-sisi ako na pinakawalan kita. I won't make the same mistake again."
His body stiffens upon hearing my last words. Hinawakan ko siya sa kamay. This feels like I am begging now. But who cares anyway? I can stoop down to this level if it means winning him. Hindi na ako papayag na pakawalan siya. Gagawin ko ang lahat para sa mahal ko, para kay Michael.
"W-what are you saying?" Gusto niyang bawiin ang kamay niya pero mas hinigpitan ko ang hawak dito.
"I love you. Pero nung nalaman kong gusto ka rin ni Kristin, nagparaya ako. Pinalaya kita dahil alam kong gusto niyo ang isa't-isa. I know this is a lot to take in. But for Pete's sake Michael, it's been 7 months! Get a hold of yourself already! Kelan mo ba matatanggap na wala na si Kristin? Na iniwan ka na niya! Ako, ako ang andito ngayon. Tutulungan kita. Please, just let me."
He heaves a sigh and slowly takes my hands away. "I'm tired Lucy. Let's call this a day. Alam kong pagod ka na din. Magpahinga ka na." He pulls the car open and starts up the engine.
I am left dumbfounded, crying unknowingly, with his car fading away from my sight.